Scroll to Top

Vice Ganda on their rumored tampuhan ni Coco Martin: “Hindi po kami magkaaway.”

By Allan Diones / Published on Sunday, 10 Dec 2017 16:38 PM / No Comments / 2114 views

MAGKATAPAT this year ang dating magka-partner sa Metro Manila Film Festival na sina Vice Ganda at Coco Martin.

After ng blockbuster first movie nila na Beauty and the Bestie (MMFF 2015) at ng The Super Parental Guardians (November 2016), na nagtala ng record bilang Highest-Grossing Filipino Film of All Time (P590M), hindi na nakagawa ng trilogy ang Vice-Coco tandem dahil nagkanya-kanya sila ngayong taon.

Si Vice ay may The Revenger Squad at si Coco ay may Ang Panday.

Sa presscon ng TRS sa Enchanted Kingdom nu’ng Sabado ng gabi ay pinalinaw namin kay Vice ‘yung isyu na hindi sila okey ng kaibigan niyang si Coco at meron silang tampuhan.

“Hindi po kami magkaaway,” mabilis na sagot sa amin ni Vice.

“At saka matagal na namin ‘yang sinagot. Paulit-ulit lang din kayo ng tinatanong at gusto n’yo yatang marinig sa amin na, ‘Magkaaway po kami.’

“Sinagot ko na ‘yan dati, sinagot na rin ni Coco. Hindi kami magkaaway. ‘Yung trilogy, hindi nangyari, pero hindi nangangahulugang hindi na mangyayari.

“Mahaba pa ang tatakbuhin ng career ng career ni Coco and hopefully, ako rin naman. At marami pang pagkakataon.

“Sabi ko nga nu’ng digicon, uulitin ko ulit, na mga bata pa kami ni Coco, wala pa kami parehong pera, gusto na naming mangyari ito. At ngayon na nangyayari sa aming dalawa, masayang-masaya kami pareho.”

So, wala silang gap? They’re okay ni Coco?

“Ha! Ha! Paulit-ulit po kayo,” medyo natatawang pakli ng comedian-TV host.

Vice Ganda at the presscon of 'The Revenger Squad'/ @starcinema IG

Vice vs. Coco for #1

Obviously ay sina Vice at Coco ang magiging mahigpit na magkalaban sa pagiging #1 o topgrosser ang entry sa MMFF 2017.

Natatawang reaksyon ni Vice, “Ang sama ng ugali natin, hindi talaga natin isinali ‘yung ibang pelikula. Lahat naman ‘yan siyempre, nagba-vie for #1. Lahat ‘yan, tatrabahuhin din nilang mag-#1. Lahat kami, actually, gusto naming ma-experience ‘yon.”

Paano kung si Coco ang maging topgrosser at mag-second lang ang movie niya? Maaapektuhan ba nito ang pagkakaibigan nilang dalawa?

“Hindi. OA ‘yon. OA ‘yon,” maiksing tugon ng six-time Phenomenal Box-Office Star.

Ano bang edge ng The Revenger Squad niya sa Ang Panday ni Coco?

“Actually, wala talaga siyang comparison. Para siyang mansanas at lansones o mansanas at saging. Hindi siya magkapareho. Magkaibang-magkaiba talaga, eh.

“Nagsusuportahan kami ni Coco. Una, magkaibigan kami. At pangalawa, parehong Star Cinema ito. Nasa isang kompanya kami.

“Magkaibang-magkaiba dahil ang Panday, walang pretense ng comedy. It’s an adventure.

“‘Yung The Revenger Squad naman, all out comedy. Malalang comedy. Kaya wala talaga siyang comparison.”

Six-time Phenomenal Box-Office Star, Vice Ganda/ @starcinema IG

P1 Billion ang inaambisyon

Inamin ni Vice na may pressure pa rin sa kanya sa tuwing may pelikula siya, pero tapos na siya sa baliw levels na nanginginig siya, nai-stress at tanong nang tanong kung magkano na ang kinikita sa takilya ng MMFF entry niya.

Ang pressure daw sa kanya ngayon ay siguraduhing laging maganda ang movie niya.

At dahil kada pelikula ni Vice ay nalalampasan ang kita ng huling movie niya, masaya raw siya kung malalampasan nitong TRS ‘yung last niya.

Pinangungunahan na niya ng sobrang ambisyosang target gross na P1 Billion.

“Kini-claim ko lang naman, eh. Eh powerful ang words. Naririnig ako ng universe, lalo pa’t katabi ko ‘yung Miss Universe, ‘di ba?” sey ni Vice, na ang tinutukoy ay si Miss U 2015 Pia Wurtzbach na kasama nila ni Daniel Padilla sa movie.

“Kailangan daw ibato sa universe ‘yun eh, ‘yung mga wishes mo, ‘yung mga magagandang intensyon mo. Kasi, naririnig niya, ibinibigay niya sa ‘yo.

“Kaya mas kampante ako. Kasi, kaibigan ko for the past years ang universe. Eh, naging malapit pa sa akin ang Miss Universe. Kaya feeling ko, ang lakas-lakas ko na.

“‘Yung gano’n. Kaya ‘yung pressure, tapatan mo lang din ng konting yabang. ‘Yung gano’n.

“P1 Billion, P1 Billion, P1 Billion. ‘Pag binigay, eh ‘di bongga! Klap! Klap! Klap! Champion! ‘Pag hindi, thank you pa rin. Kasi for sure, may ibibigay pa rin na malaki sa amin ang Diyos.

“Kasi, pinagtrabahuhan ng maraming tao ito eh, kaya alam kong ibe-bless ng Diyos. Pinagtrabahuhan ng marami at ginawa namin ‘to nang may magandang intensyon, hindi ng pera-pera,” sambit pa ni Vice.

Sa December 25 ang opening in cinemas nationwide ng The Revenger Squad sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

The cast of 'The Revenger Squad' led by Vice Ganda, Pia Wurtzbach & Daniel Padilla with Direk Bb. Joyce Bernal/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *