Scroll to Top

Pancho Magno, ang laki ng katawan pero sobrang iyakin sa kasal nila ni Max Collins!

By Allan Diones / Published on Wednesday, 13 Dec 2017 20:07 PM / No Comments / 5132 views

PUWEDE palang dramatic actor ang Kapuso hunk na si Pancho Magno sa husay niyang umiyak at magpaiyak doon sa kasal nila ng Kapuso actress na si Max Collins.

Pangkaraniwan sa mga wedding na maging ang groom ay napapaiyak dahil sa sama-samang emosyon sa araw na ‘yon, pero si Pancho ay tila tumodo sa pagluha at quota siya sa crying scene nu’ng Lunes nang hapon sa kasal nila ni Max.

Naglalakad pa lang si Pancho sa aisle ng Diplomatic Hall ng Manila Marriott Hotel kasama ng kanyang mga magulang ay bumigay na agad sa kakaiyak si Pancho.

Lalo na nang makita na niya ang kanyang beautiful bride, mas sumige ang pag-agos ng mga luha ng Haplos star at Bench Body endorser.

Nang basahin niya ang wedding vow niya for Max ay crylaloo ulit si Pancho.

“Seeing you now in front of me, you made me realize how God blessed me with you. Not only marrying you, but also having the privilege of loving you and taking care of you. Of course, growing old with you as my wife and the mother of my children,” madamdaming bulalas ng 31-anyos na Kapuso hunk.

“And baby, you’re just too beautiful to be sad. So, I shall make you happy. You’re just too beautiful to be sad and crying.

“So baby, I promise you, I’ll make you smile and happy everyday. When you wake up, before you sleep and even when you’re sleeping in the moviehouse or anywhere. I love you so much!”

Max Collins & Pancho Magno/ @niceprintphoto IG
Pancho kisses his wife Max/ @niceprintphoto IG

Atat sa kiss

Ang beautiful bride na si Max ay emosyonal din when she read her vows.

“Today is the day I become your forever friend and friend,” nagbi-break ang boses na sambit ng 25-anyos na Kapuso actress.

“I promise to put God first and you second. To love you unconditionally all the days of our lives and to never give up on us.

“I promise to learn how to cook for you and sana edible. You have the most beautiful heart and soul, love. You are my light, my angel, and I promise to cherish you and give you all the love you deserve.

“I’m excited to fall in love with you each and every single day, over and over again. I will become my best self for you and our family. I love you so much and I cant wait to start this new journey with you,” sabi pa ng radiant bride.

Nagtawanan ang lahat sa tanong ni Pancho sa pastor na, “Can I kiss her now?” after magsalita ni Max, na atat na niyang i-lips-to-lips.

After their exchange of vows ay nagbigay ng mensahe ang couple para sa kanilang respective parents.

Sa speech ni Pancho para sa mother niyang si Ms. Regina ‘Redgie’ Acuña-Magno ay grabe ang iyak nito. As in napapaupo si Pancho sa kakaiyak, kaya crylaloo rin ang lahat sa touching message niya for his mom na very close sa kanya.

Mr & Mrs Pancho & Isabelle Magno/ @maxcollinsofficial IG
The Newlyweds/ @magnopancho IG

Sa Italy ang honeymoon

During the reception sa Grand Ballroom Hall D ng Marriott ay nakaka-touch din nang magsalita na si Mrs. Magno para sa newlyweds.

Sey ng GMA Vice President for Drama Productions, mahal na mahal niya si Max and she is the best thing that ever happened to Pancho.

Mas excited si Ms. Redgie sa magiging apo niya kina Pancho at Max.

Napapaiyak siya sa mensahe niya para sa kanyang panganay na anak na, “I just pray that you keep your promise to me. Please keep that promise… ang gusto kong panghawakan mo, that you will do this only once and that is with Max.”

Panay na naman ang iyak ni Pancho habang nagsasalita ang kanyang madir. Kaya nang mag-speech na ang younger brother at Best Man niyang si Albert Gerald ‘Iwa’ Magno ay kinantiyawan siya nito na ang laki-laki ng katawan niya, pero napakaiyakin niya.

Actually, ang cute ni Pancho, na napaka-open siya sa kanyang nararamdaman. Kita mo kung gaano niya kamahal ang mommy niya at hindi siya nahihiyang malaman ng lahat na Mama’s Boy siya.

Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Pancho at sa Amerika nakatira ang ama niyang si Mr. Pancho Noel Magno. Dumating lang ito para dumalo sa kasal.

Ang kanilang dakilang ina ang nagpalaki at bumuhay kay Pancho at sa mga kapatid niyang sina Iwa at Regine Noelle.

After more than four years of being boyfriend-girlfriend ay officially Mr. & Mrs. Pancho & Isabelle Magno na ang Kapuso couple (Isabelle Abiera Collins ang real name ng Fil-Am na si Max).

Si Pastor Dennis Sia Sy ang nag-officiate sa nasabing Christian wedding.

Dramatic and romantic ang entrance ng bride, na lumakad papunta sa altar sa awiting Heaven (ni Bryan Adams).

Si Francis Libiran ang gumawa ng beaded immaculate gown ni Max, pati na rin ng blue suit ni Pancho.

19 pairs ang Principal Sponsors sa Max-Pancho wedding sa pangunguna nina Senator Manny Pacquiao & wife Jinkee Pacquiao, GMA big boss Felipe Gozon & Regal Films producer Mother Lily Monteverde.

Ang sabi sa amin ni Pancho, sa Italy ang honeymoon nila ni Max, na next year na nila gagawin dahil pareho pa silang busy.

Congratulations & best wishes, Pancho & Max!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *