Scroll to Top

Netizens, na-excite sa pagsasama nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto

By Allan Diones / Published on Thursday, 25 Jan 2018 20:21 PM / No Comments / 2504 views

IKINATUWA ng netizens ang makitang magkasama sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.

Naganap ang pagkikitang ‘yon ng dalawang aktres sa reaffirmation (hindi raw renewal) of vows nina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa Tagaytay City nu’ng Martes nang hapon. Muling nagpakasal sina Gladys at Christopher, na nagse-celebrate this year ng 25 years of togetherness.

Tuwang-tuwa si Gladys dahil kumpleto ang kanyang original bridesmaids nang ikasal sila ni Christopher 14 years ago.

Dumating sa Iglesia Ni Cristo, Locale of Tagaytay sa Purok 159 Barangay San Jose, Tagaytay, sina Judy Ann, Claudine at Carmi Martin, pati na ang sister ni Gladys na si Janice at sister-in-law niyang si Claire.

Ang saya ng kanilang group pics na ang sarap ng ngiti nina Juday at Claudine. Tulad ng kinikilalang Kapamilya Teleserye Queen na si Juday, minsan ding naging primetime royalty ng ABS-CBN si Claudine.

Si Juday ay nanatiling bongga ang career, mapa-TV at pelikula, si Claudine ay medyo matagal nang inactive sa showbiz. Kaya na-excite ang netizens na dumating sa ‘throwback’ event na ‘yon ni Gladys si Claudine at napiktyuran pa silang magkasama ni Juday.

Ang daming fans ang nag-comment na sana ay pagsamahin sa isang project ang dalawang aktres. Ang sabi nila, it’s about time na magtrabaho together ang two queens.

Maging si Pokwang ay nag-post sa Instagram ng, “Sana magka-movie silang dalawa together. Abangan ko ‘yan at ipag-pray,” na may dalawang pics nina Juday at Claudine na kuha sa kasal ni Gladys.

Ang daming sumang-ayon kay Pokie, sabay panawagan ng mga ito sa Viva at Star Cinema na bigyan ng pelikula ang dalawa.

Judy Ann Santos & Claudine Barretto at the reaffirmation of vows of Gladys Reyes & Christopher Roxas last Tuesday in Tagaytay/ @claubarretto IG
Judy Ann & Claudine were original bridesmaids of Gladys when she was first married to Christopher 14 years ago/ @claubarretto IG
Happy group pic with the bridesmaids and groomsmen of Gladys & Christopher who are celebrating 25 years of togetherness this 2018/ ©WallyGonzalesPhotography
Juday & Claudine with dear friends Gladys & Christopher/ ©WallyGonzalesPhotography

Juday-Claudine movie

Pareho nang may mga anak ang 39-anyos na si Juday at 38-anyos na si Claudine. Nananatiling happily married si Juday kay Ryan Agoncillo habang si Claudine ay matagal nang hiwalay kay Raymart Santiago.

May mga nag-suggest na si Piolo Pascual ang kuning leading man para sa possible project for Juday and Claudine, na parehong naging ka-loveteam ng nasirang heartthrob na si Rico Yan nu’ng teenage days nila.

Nu’ng panahong ‘yon ay parang si Juday ang tinuturing na young Nora Aunor habang si Claudine ang tila young Vilma Santos. Mukhang interesting nga kung magsasama silang dalawa ngayon sa isang pelikula. Sino kaya ang handang sumugal sa Juday-Claudine project?

Nu’ng Tuesday ay sa church lang um-attend si Juday at after ng seremonyas ay hindi na siya tumuloy sa reception nina Gladys-Christopher sa Fernwood Gardens sa Purok 134, Neogan, Tagaytay.

At least ay nakasama si Juds sa piktyuran sa simbahan at may pinost din siyang pic sa Instagram na kasama ang kanyang Kumareng Gladys at daughter nitong si Aquisha sa loob ng kotse.

#RelationshipGoals ang tawag niya kina Gladys at Christopher, na mga nene at totoy pa sila nang magkainlaban sa set ng teleserye nilang Mara Clara 25 years ago.

Judy Ann with Gladys, her Kumare and one of her closest friends in showbiz/ @officialjuday IG

Claudine, may ka-date na non-showbiz guy

Si Claudine ay tumuloy pa sa reception at nakisaya sa mga bisita sa kasal. Ang daming pumuri sa itsura ni Claudine nu’ng araw na ‘yon at natuwa sa pinost niyang photos sa IG. In fairness ay pumayat na ang aktres at ang ganda ng kanyang ayos at makeup.

May kasama siyang isang non-showbiz guy, na ipinakilala niya sa amin, pero hindi namin maalala ang name. May hawig sa dating modelo at nag-artista rin noon na si Domini Primero (dating asawa ng former actress-beauty queen na si Joanne Quintas) ang lalaking kasama ni Claudine.

Hindi namin nausisa si Claudine kung boyfriend niya ba ang lalaking ka-date niya sa wedding. After ay nag-DM kami sa kanya sa IG, pero wala siyang sagot.

Kaya ang tinanong namin ay si Sherilyn Reyes-Tan, mother ng Hashtags member na si Ryle Santiago, dahil sila ni Ryle ang matagal na kasama at katsika ni Claudine doon sa reception habang nagka-cocktails before dinner.

Ang sabi sa amin ni Sherilyn (na nakalimutan din ang pangalan nu’ng guy) ay hindi boyfie ni Claudine ang lalaking ‘yon kundi family friend. In fact, may asawa raw ito at nagpaalam pa si Claudine dito na sasamahan siya nu’ng guy dahil dapain daw siya o madalas madapa.

Kasa-kasama rin ni Claudine sa event ang kanyang 2-year-old na ‘bunso’ na si Quia. Twinning pa ang outfit nila ng cute na bagets.

Sa IG account ni Claudine namin nakikita ang mga post niya about Quia, na youngest baby raw niya after Sabina and Santino.

Claudine at the reception in Fernwood Gardens Tagaytay/ ©allandiones.com
Claudine with her non-showbiz companion at the reception/Claudine with Sherilyn Reyes-Tan & son Ryle Santiago/ @claubarretto IG
Claudine twinning with her 2-year-old bunso, Quia/ @claubarretto IG

For the love of Gladys

Ang leading man ni Juday noon sa Mara Clara at first ka-loveteam nito na si Wowie de Guzman ay dumating din sa Tagaytay nu’ng araw na ‘yon, pero hanggang sa hotel lang nina Gladys ito nakapunta, hindi na ito nakatuloy sa simbahan at reception.

Ang sabi sa ami ni Gladys, may show si Wowie sa Manila kaya kinailangan nitong umalis kaagad. Sobrang apologetic daw si Wowie, kaya lang ay last year pa ang commitment nito.

At least ay nakasama siya sa pictorial sa hotel at may kuha sila ng kumpare at matalik niyang kaibigan na si Christopher.

Isa sa maagang dumating sa church ay ang nag-iisang showbiz Ninang sa reaffirmation of vows nina Gladys-Christopher na si Regine Velasquez-Alcasid. Gandara si Songbird sa kanyang silver gray gown.

Ang sey namin kay Reg, mahal niya talaga si Gladys dahil present siya sa event. Aniya, umoo kasi siya at ‘pag nag-oo siya ay dumarating talaga siya. At saka libre rin daw kasi siya nu’ng araw na ‘yon.

Ang nag-iisang showbiz Ninong na si Martin Nievera ay na-late nang dating sa simbahan, pero nakahabol pa siya sa picture-taking.

Love din ni Martin ang mag-asawa dahil fresh from Las Vegas, mula sa airport ay diretso siya ng Tagaytay para sa nasabing event.

Hanggang sa reception ay join pa rin sina Ninang Reg at Ninong Mart. Kumanta pa sila ng solo number at nag-duet din, kaya tuwang-tuwa ang mga bisita lalo na ang newlyweds.

Christopher with Kumpare and close buddy, Wowie de Guzman/ ©WallyGonzalesPhotography
Ninang Regine Velasquez-Alcasid & Ninong Martin Nievera/ ©allandiones.com

Claudine-Jolina, sayang walang pic together  

Present sa reception si Jolina Magdangal, kasama ang mister na si Mark Escueta at anak nilang si Pele Iñigo. Ang laki na ng tiyan ni Jolens at bukas, Friday, malalaman na niya kung anong gender ng second baby nila ni Mark.

Wish ni Jolens na girl ang ipinagbubuntis niya dahil ‘yun daw ang gusto ni Pele. Medyo nate-tense siya dahil nagdayalog daw si bagets ng, “Boy, no!” dahil babae ang gusto nitong maging kapatid.

Bet sana naming piktyuran na magkasama sina Jolina at Claudine, kaya lang ay hindi kami nagkaroon ng chance. Matatandaang tila nagkaroon ng gap ang dalawa about 3 years ago matapos sabihin ni Jolens sa isang interview na hesitant siyang makatrabaho ulit si Claudine dahil sa nangyari sa pinagsamahan nilang show noon sa GMA na na-cut short.

Hindi ‘yon nagustuhan ni Claudine at parang after that ay nagkaroon ng silent war sa pagitan ng dalawa. Ang sabi sa amin ni Jolens ay okey sa kanyang piktyuran namin sila together. Hindi namin natanong kung okey lang din kay Claudine.

Nakyutan naman kami sa porma ni Jaya na dumating kasama ang kanyang pamilya. May sariling fashion style ang mga anak ni Jaya at ang cute ng dating nila.

Dumating din doon sa reception sina Karla Estrada, Angelika dela Cruz, Donita Rose, Patricia Javier, Allen Dizon, Dino Guevarra, Bianca Lapus, Jenny Miller, Mickey Bustos, atbp.

Nakisaya rin si Bea Alonzo, na lumabas ang pagka-fangirl nang umawit si Songbird Regine.

Ang saya ng papiging nina Gladys-Christopher at makikita mong well-loved talaga sila ng mga taga-showbiz.

Jolina Magdangal-Escueta & family/Jaya Ramsey-Gotidoc & family/ ©allandiones.com
Bea Alonzo (center) and other guests at the reception party/ @realdonitarose IG
The happy Sommereux family/ ©WallyGonzalesPhotography
#ChristopherAndGladys25Years/ @burgersandburpees_ IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *