Scroll to Top

WATCH: Gladys Reyes talks about their reaffirmation of vows and her ‘karinderya’ na wala nang puwedeng kumain!

By Allan Diones / Published on Wednesday, 24 Jan 2018 12:47 PM / No Comments / 2901 views

REAFFIRMATION of vows ang gustong itawag ni Gladys Reyes sa ginawa nilang muling pagpapakasal ng husband niyang si Christopher Roxas kahapon sa Tagaytay.

Ayaw niya raw ng renewal of vows dahil parang may expiration. Mas type niya ang reaffirmation dahil pinagtibay muli kung anuman ang sinumpaan nilang dalawa ni Christopher nang una silang ikasal nu’ng 2004.

Sabi pa ng premyadong aktres at mahusay na kontrabida, ang 25 years of togetherness ay kailangang i-celebrate. At this time ay kasama pa nila ni Chris ang mga anak nila.

25 years na silang magkarelasyon dahil 11 years na boyfriend-girlfriend at 14 years na silang kasal. Kaya 25 years total.

Ginanap ang wedding nila kahapon nang hapon sa Iglesia ni Cristo, Locale of Tagaytay sa Purok 159, Barangay San Jose, Tagaytay City.

Ang reception, kung saan namin nakausap si Gladys, ay ginanap sa Fernwood Gardens sa Purok 134, Neogan, Tagaytay.

Gladys Reyes & Christopher Roxas' reaffimation of vows yesterday at the Iglesia Ni Cristo Locale of Tagaytay in Purok 159, Barangay San Jose, Tagaytay City/ @eventsbymissp IG
Gladys wore a silver off-shoulder gown wirh beaded bodice and floral embellished train by Zandra Lim/ @zandralimdesigns IG

Ang Tatlong P ni Gladys

Ayon kay Gladys, kaya rin nila napagdesisyonang magpakasal muli ni Christopher ay dahil curious ang tatlo nilang anak (bale apat na ang anak nila pero ‘yung bunso ay wala pang malay) what was it like nu’ng ikasal sila 14 years ago.

‘Yung video raw kasi ng kasal nila ay halos ayaw nang umandar dahil nasa CD pa ito.

At dahil nga 25 years nila ngayong 2018 at nataon ding 12th birthday ng panganay nilang si Christophe ay ginawa nila itong malaking selebrasyon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, pamilya at katrabaho.

Sa panahong halos bihira na ang nagtatagal na marriage lalo na sa mundo ng showbiz, ang sikreto raw ni Gladys ay tatlong P—prayers, patience at partnership.

Christopher & Gladys at the wedding reception in Fernwood Gardens, Purok 134, Neogan, Tagaytay City/ @eventsbymissp IG
Christopher & Gladys: 25 Years of Togetherness/ ©allandiones.com
Mr. Jean-Christophe & Mrs. Gladys Sommereux/ ©allandiones.com

Kota Kinabalu

Ang pangalan ng apat na anak nina Gladys at Christopher (na Fil-French at ang real name ay Jean-Christophe Sommereux) ay Gian-Christophe, Gianna-Aquisha, Grant-Carlin at Gavin-Cale Sommereux.

Sa tanong namin kung puwede pa silang magdagdag ng isa pang anak, ang hirit sa amin ni Gladys ay mamamasyal sila sa Kota Kinabalu, na isang gay term, na ang ibig niyang sabihin ay ‘quota’ na siya sa anak dahil nakaapat na sila.

At dagdag pa niyang sey, “Hindi pa sarado ang karinderya, pero wala nang puwedeng kumain! Ha! Ha! Ha!”

Dayalog ni Gladys, ‘yung bintana ng ‘karinderya’ ay sinara na niya, pero ang pinto ay medyo naka-half-open pa.

So, hindi na siya nagpapakain?

“Well, ngayon magpapakain ako sa mga bisita. Magpapakain tayo ngayon sa mga bisita dahil ito ay selebrasyon,” natatawang sagot niya sa slightly naughty question namin.

So, sarado na ang ‘karinderya’?

“Half-open!” tapos ay natawa ang laging kuwelang kausap at maraming nagmamahal sa industriya na si Gladys Reyes-Sommereux.

Congratulations again, Christopher & Gladys!!

Panoorin below ang masayang interview namin with Gladys. Please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube channel. Tenkyu!

Christopher & Gladys with their 4 beautiful children: Gian-Christophe, Gianna-Aquisha, Grant-Carlin & Gavin-Cale Sommereux/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *