Scroll to Top

WATCH: Bela Padilla wants to invite ex-BF Neil Arce & Angel Locsin to the premiere of her movie with Carlo Aquino

By Allan Diones / Published on Friday, 26 Jan 2018 17:35 PM / No Comments / 2630 views

LOVELESS pa rin si Bela Padilla, pero meron daw mga nanliligaw sa kanya. Hindi raw kilala ang mga ito dahil non-showbiz.

Wala pa ba siyang napipisil sa mga manliligaw niya?

“Wala pa, wala pa. Next batch!” sagot niya sa amin, sabay tawa at sabing joke lang ‘yon.

Nakatsika namin si Bela ngayong hapon sa presscon ng movie nila ni Carlo Aquino na Meet Me in St. Gallen, mula sa makers ng indie blockbuster hit na Kita Kita last year.

Ang sabi ni Bela ay sobrang happy siya being single. Kahit pa ang ex-boyfriend niyang si Neil Arce ay matagal nang naka-move on at masaya na sa piling ng nobya nitong si Angel Locsin?

“Oo, why not? Ang dami kong blessings sa trabaho. Kanya-kanya tayo ng blessings, so dapat, matuto tayong magpasalamat. Kanya-kanya rin tayo ng pinagdadaanan.

“So, kung si Neil, doon pinagpala, I’m happy for him. Ako, dito ako pinagpapala sa trabaho, I’m sure he’s happy for me as well,” ang very positive na sagot sa amin ng 26-anyos na Kapamilya actress.

Bela Padilla says she's happy being single and she has no issues with ex-boyfriend Neil Arce and his girlfriend Angel Locsin/ @kielotilla IG
Bela's ex-boyfriend, Neil Arce is now happy with current girlfriend Angel Locsin/ @neil_arce IG

Actually, ang ganda ng sinabi ni Bela du’n sa presscon na iimbitahin niya si Neil at si Angel sa premiere night ng pelikula nila ni Carlo.

Obviously ay masaya si Bela sa buhay niya at wala siyang bitterness sa ibang tao kaya okey sila ng ex-BF niya pati na ng current GF nito.

“Yes, I will talaga, ‘pag malapit na. Kasi, alam kong busy na tao si Angel, ang dami niyang trabaho. Si Neil din, merong movie with Direk Joyce (Bernal).”

Paliwanag ni Bela, alam niya kasing barkada rin nina Neil at Angel sina Direk Joyce, Direk Irene Villamor, Piolo Pascual at Erickson Raymundo. Si Irene ang direktor ng Meet Me in St. Gallen habang sina Joyce, Piolo at Erickson ng Spring Films ang producer ng movie together with Viva Films.

“So, ayokong mailang sila na baka gusto nilang suportahan ‘tong mga ‘to, pero baka iniisip nila ako. Kaya ako na mismo ang magti-text ‘pag malapit na,” pakli ni Bela.

So, wala siyang issues kina Neil at Angel?

“Wala po akong issues sa buhay ko ngayon,” nakangiting sey niya.

So, in that case, naniniwala ba siya na kapag unlucky in love ay lucky sa career?

“Parang. Kasi, you prioritize one, eh. At saka parang ganu’n ‘yung nangyari sa akin,” sambit ni Bela, sabay tawa.

Sa February 7 ang showing nationwide ng kakaibang romcom movie na Meet Me in St. Gallen na partly shot in Switzerland.

Panoorin below ang interview namin with Bela. And kindly Like, Share and SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Thank you!

Bela with her leading man Carlo Aquino at the presscon of their movie, 'Meet Me in St. Gallen' to be shown in cinemas nationwide on February 7/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *