Scroll to Top

WATCH: Carlo Aquino on ‘balikan blues’ with ex-GF Angelica Panganiban: “Abangan n’yo na lang! Ha! Ha! Ha!”

By Allan Diones / Published on Saturday, 27 Jan 2018 13:37 PM / No Comments / 1412 views

PINUTAKTI si Carlo Aquino ng mga tanong tungkol kay Angelica Panganiban kahapon sa presscon ng pelikula nila ni Bela Padilla na Meet Me in St. Gallen.

Maging ang showbiz press ay parang nae-excite sa idea na posibleng magkabalikan sina Carlo at Angelica, na naging magkarelasyon nu’ng mga bagets pa sila. Sa pagkakatanda ni Carlo ay six years din tumagal ang relasyon nila.

Ngayon ay 32 years old na si Carlo at 31 naman si Angelica.

Sabi ni Carlo, gusto niyang makatrabaho ulit si Angelica, sa TV man o sa pelikula.

Hindi masabi ng Kapamilya actor kung naniniwala siya sa kasabihang ‘love is sweeter the second time around’ dahil hindi pa raw niya ito nararanasan. Wala pa kasi siyang binalikan sa mga naging girlfriend niya.

Three months ago ay nakipag-break si Carlo sa kanyang non-showbiz GF (at live in partner) na si Kristine Nieto.

Ngayong parehong fancy-free na sina Carlo at Angelica ay maraming natutuwa na okey ang relasyon nilang dalawa at tila may chance na magkamabutihan ulit sila tulad ng dati.

Open naman si Carlo sa possibility na ‘yon dahil sabi niya, “Hindi ko puwedeng isarado dahil hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari sa mga susunod na buwan. So, wala akong sinasarado na kahit na anong pinto. Basta, nandito lang ako.”

Wala naman daw siyang nakikitang hindrance, ayaw niya lang na mawala ‘yung friendship na meron sila.

Carlo Aquino is single again, after he broke up with his 7-year, non-showbiz girlfriend/ @visionerickson IG
Angelica Panganiban is also fancy-free now, her last boyfriend was John Lloyd Cruz who is now with Ellen Adarna/ @iamangelicap IG

Ikinatuwa ni Carlo ‘yung sinabi ni Angelica sa isang interview na sa lahat ng mga naging ex-BF nito ay siya lang ang pinili nitong maging kaibigan.

“Maraming salamat na ako ‘yung pinili mo,” nakangiting pakli ng binata.

Eh kung siya naman ang may babalikan sa mga naging nobya niya, sino kaya ang pipiliin niya?

“Malamang siya rin,” sagot ni Carlo, na parang ikinakilig ng mga kausap niyang media sa presscon.

Halimbawang magkabalikan sila ni Angelica, sa tingin niya ba ay aabot na ito sa kasalan?

Natawa si Carlo at napadayalog ng, “Kanina, ‘yung sabi ko pa lang, hindi ko pa alam kung magiging kami. Tapos ngayon, sa kasal na?!

“Hindi ko alam, hindi ko alam. Ganu’n pa rin. Kung anuman ‘yung mangyayari sa mga susunod na buwan, abangan n’yo na lang! Ha! Ha! Ha!”

SWEETER THE SECOND TIME AROUND? Angelica was Carlo's very first girlfriend and vice-versa

Bilang malakas magbiro si Angelica, minsan ay may mga hirit ito na sila na lang ulit ni Carlo, tutal ay ‘yun ang gusto ng mga tao.

Sey ni Carlo, aware siya roon dahil nang minsang magkita sila sa ABS-CBN at purihin niya ang ganda ng dating nobya, ang hirit nito sa kanya ay, “Eto ‘yung pinakawalan mo!”

Anong sagot niya sa kantiyaw na ‘yon sa kanya ni Angge?

“Oo nga, oo nga. Ha! Ha! Ha!”

Hindi ba siya kinikilig ‘pag nagbibiruan silang dalawa ng gano’n?

“Hindi, eh!” medyo natawa, pero seryosong sambit ni Carlo, na tila ikinalungkot nang slight ng mga katsika niyang press.

Ha! Ha! Ha!

Hindi si Angelica ang leading lady ni Carlo sa Meet Me in St. Gallen kundi si Bela Padilla na first time niyang makapareha.

Sa February 7 ang showing nationwide ng nasabing romcom movie mula sa Spring Films at Viva Films.

Panoorin below ang interview namin kay Carlo. Paki-Like, Share at SUBSCRIBE na rin po sa aming YouTube channel. Salamat!

Carlo Aquino at the presscon of his upcoming movie with Bela Padilla, 'Meet Me in St. Gallen' showing February 7 in cinemas nationwide/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *