Scroll to Top

WATCH: Alden Richards gives a short update about him and Maine Mendoza

By Allan Diones / Published on Thursday, 28 Dec 2017 15:36 PM / No Comments / 3958 views

NAGPA-THANKSGIVING lunch si Alden Richards for the entertainment press kaninang tanghali, December 28.

Nag-share ng kanyang blessings ang Pambansang Bae at ang saya ng kanyang friends from the press sa inihanda niyang pa-raffle.

Sa simula pa lang ng salu-salo ay sinabi na ng mga taga-GMA Corp Comm at Artist Center na ang gusto ni Alden ay huwag magtrabaho ang mga invited na press at mag-enjoy lang sa food at pa-raffle.

In short ay walang interbyuhan portion, chill-chill lang na get together ang peg.

Ang ginawa ni Tisoy ay umupo lang siya saglit at nagbigay ng updates about him and his career, para may maisulat naman ang kanyang media friends.

Isa sa inaabangan ng lahat ay ang sasabihin niya about his ka-loveteam Maine Mendoza, na after maglabas ng open letter sa blog nito ay nag-leave sa Eat Bulaga at nagbakasyon sa abroad with her family.

May maiksing update si Alden tungkol kay Maine, bilang alam niyang uusisain siya ng press tungkol dito.

Ang sabi lang niya ay, “I’m sure, ‘yung kay Maine po, maraming gustong magtanong. Pero ito na lang po ‘yung gusto kong sabihin with regards to everything.

“Nag-usap po kami bago siya umalis and I’m very happy that she’s having fun spending the holidays with her family sa abroad.

“And the same thing na nangyari rin po sa akin, I got to spend time with my family (in Japan), na parang we really deserve those breaks far from everything po.

“So, hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya. So, ‘yun po. Thank you po, Merry Christmas!”

Hindi na nag-entertain pa ng mga tanong si Alden at itinuloy na niya ang pagbunot ng names sa raffle.

Kahapon lang bumalik ang Kapuso heartthrob from his Japan vacation with his family. Sa January 1 ang first live episode ng Eat Bulaga for 2018 sa Broadway studio, na inaasahang babalik na rin si Maine at mabubuong muli ang phenomenal AlDub loveteam.

26th birthday ni Alden sa January 2, so magkakaroon siya ng birthday celebration sa EB.

January 6 ay may sarili siyang celebration with his fans sa Enchanted Kingdom called One Fun Day with Alden na pasasalamat niya sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Panoorin below ang video ni Alden na kuha sa masayang thanksgiving lunch niya with the press.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *