#Movies : ‘Deadma Walking’
Laugh-and-cry-a-minute, beki beshie movie!
ISA sa best entries this year sa Metro Manila Film Festival ay ang comedy movie na Deadma Walking.
Wala kaming expectations sa pelikula, na ang luma ng dating sa amin ng pamagat (binaklang version ng Hollywood film na Dead Man Walking na 1995 pa ipinalabas), but we were pleasantly surprised dahil ang ganda ng pelikula at ang gagaling ng mga artista nito.
Si John Samson (Joross Gamboa) ay isang disenteng rich gay na may PR agency, water at laundry business. Anak siya ng isang dating beauty queen.
Beki beshie ni John ang sales agent at theater actor na si Mark Caramat (Edgar Allan Guzman) na naka-drag habang nagpe-perform sa isang musical na mala-Care Divas ng PETA.
Refined at class ang dating ng pa-mhin na si John, habang ang out and proud na si Mark ay maingay, maharot at kwela ang mga hirit.
Nang ma-diagnose si John na may malubhang sakit at bigyan ito ng taning ng doktor, pinlano nila ni Mark na pekehin ang kanyang pagkamatay at dadalo siya sa sarili niyang lamay in disguise para marinig ang eulogy ng kanyang mga mahal sa buhay.
Masarap si Kamatayan
Ang simple ng istorya ng Deadma Walking pero ang clever ng pagkakasulat dito ni Eric Cabahug, na nagwagi ng Palanca Award for Literature para sa screenplay nito.
Super-aliw ‘yung execution ng planned fake death and eventual wake, na wagi ang editing kaya bentang-benta sa audience.
Ang lakas ng tawa namin sa eksenang ikasasal kuning si Joross kay Kamatayan, na isang yummylicious hunk.
Baklang-bakla ‘yung lamay ng nateging beauty queen mother ni Joross kung saan nagdatingan ang ilan sa real-life beauty queens gaya nina Evangeline Pascual at Desiree Verdadero.
Riot din ang mga ganap sa pekeng burol ni Joross, na pumunta siyang naka-disguise bilang transwoman na balikbayan at pipi.
Nang biglang nakapagsalita ang hitad ay hagalpak kami sa dayalog ng baklitang EA na, “May himala! Isang tunay na Santa si John!”
Ang sarap sabunutan sa husay
Best assets ng pelikula ang dalawang bida nito, na halatang in-enjoy lang ang gay roles nila. Parehong sanay gumanap na bading sina Joross at EA, pero ito ‘yung best nila at sobra silang nag-shine pareho rito.
Cry kami nang sabihin ni John kay Mark na may kanser siya, hindi lang dahil magaling na aktor si Joross kundi dahil dama mo ‘yung pagiging totoo ng friendship nilang dalawa.
Ibang level ‘yung chemistry nina Joross & EA at ang sarap nilang panoorin sa screen. Naiinis kami kay EA dahil ang dali niya kaming patawanin sa mga joke niya, pero ang bilis din niya kaming paiyakin ‘pag nag-drama na siya. Ang sarap niyang sabunutan sa husay niya.
Parang laugh and cry kami bawat minuto. Tapos, ang effortless niyang magbading-badingan at um-all out talaga siya bilang loud and flamboyant na supportive BFF at part-time drag queen.
In fairness, ang ganda ng songs sa Crying Divas musical ng hitad at bigay na bigay siya sa kanyang stage performance with Ricci Chan and Jojit Lorenzo.
May dyowa siyang hunk dito at may pa-abs na eksena si Vin Abrenica, pero wala silang intimate scenes.
Bukod sa ang wi-witty nu’ng lines niya ay mahusay bumitaw si EA at swak ang kanyang timing kaya havey na havey ang mga eksena niya.
Ang ganda ng contrast ng mag-Migs (short for Amiga na tawagan nila) at perfect ang balanse ng dalawa, medyo mas angat lang si EA dahil sa malaki at mas mapuwersa ang mga galaw niya kaya mas kabogera.
May twist sa ending na medyo hindi namin type, pero may magandang nangyari rito after kaya bumawi rin at worth it ‘yung kinalabasan.
Ikatutuwa namin kung magtatabla sina Joross at EA sa pagka-Best Actor sa MMFF, pero mas liyamado si EA.
Ang saya lang na ang standout this year is another gay performance, after magwagi ni Paolo Ballesteros last year para sa transgender film na Die Beautiful.
Nakakainlab si Gerald
Among the support ay lutang ang always reliable na si Dimples Romana, na ang galing kahit umiiyak lang na may hawak na unan.
Sa celebrity cameos ay bet namin ‘yung recurring role ni Eugene Domingo bilang bida sa isang artsy-fartsy, black & white French film kuning na Au Revoir, na may mga hugot at hanash tungkol sa pag-ibig at kamatayan.
Importante ang cameo rito ni Gerald Anderson bilang greatest love ng klosetang si John na si Luke. Makita mo pa lang si Gerald ay maiintindihan mo na kung bakit ito kinainlaban ni Joross, lalo na nang magsalita na si Ge.
In fairness ay ang lakas ng tawanan sa cameo ni Direk Joel Lamangan. Umapir din sa movie sina Piolo Pascual, Iza Calzado, Wendell Ramos at iba pang stars, so enjoy-in n’yo na lang ang spot-the-celebrity-cameo moments.
Tragicomedy na may sariling identity
More than a gay film, this is a story of two friends. At bilang lahat tayo ay may kaibigan, makaka-relate at makaka-relate ka rito, bading ka man o hindi.
And it’s a perfect example na ang isang gay film ay puwedeng maging sobrang funny, touching and entertaining, na hindi hinahaluan ng kahalayan at kalaswaan o ng kababawan at kabobohan.
Sa unang tingin ay maiisip mong may hawig ito sa Die Beautiful, but after watching it ay masasabi mong ibang-iba ang Deadma Walking at may sariling identity ang tragicomedy na ito na hindi kinopya lang sa iba.
Natuwa kami na may isang promising new director sa katauhan ni Julius Alfonso, na actually ay hindi na bago dahil dalawang dekada na siyang assistant/associate director ng ilan sa mga kilalang direktor.
Kita sa matinong trabaho ni Direk Julius ‘yung naging training niya at impluwensiya sa kanya nina Direk Chito Roño, Direk Joel Lamangan at Direk Chris Martinez.
Hindi siya nagkamali sa pagpili sa Deadma Walking as his first feature film.
Sa mga gustong tumawa, umiyak, maantig at ma-entertain nang bonggah, karayin si beshie at umawra na sa mga sinehan na showing ang Deadma Walking!
#Stage: Moira dela Torre ‘Tagpuan’ Concert (2nd night)
Malamyos na tinig ni MOIRA, dalawang gabing pinuno ang KIA! PASENSYA NA… kung sobrang delayed...
#Movies : ‘Meet Me in St. Gallen’
Carlo Aquino, PAK na PAK bilang romantic leading man! NAKAKAUMAY na ang relationship movies...
#Movies : ‘Star Wars: The Last Jedi’
BEST. #STARWARS. MOVIE. EVER!!! SOBRA kaming na-happy sa bagong Star Wars movie na The Last...
#Stage : Regine Velasquez ‘R3.0’ Concert (Second Night)
WERPA DIVA, Dalawang Gabing Nangabog sa MOA Arena! REGINE!!! WOOOHHH!!! PETMALUUU!!! The Songbird,...
#Stage : Regine Velasquez ‘R3.0’ Concert (First Night)
WERPA DIVA, Dalawang Gabing Nangabog sa MOA Arena! REGINE!!! WOOOHHH!!! PETMALUUU!!! @jaysalvarez...