Scroll to Top

#Stage : Regine Velasquez ‘R3.0’ Concert (Second Night)

By Allan Diones / Published on Tuesday, 14 Nov 2017 08:50 AM / No Comments / 1199 views
WERPA DIVA, Dalawang Gabing Nangabog sa MOA Arena!
REGINE!!! WOOOHHH!!! PETMALUUU!!!
The Songbird, Regine Velasquez/@vstyleteam IG

Second Night

Mas na-feel at mas na-appreciate namin ang ikalawang gabi ng R3.0 concert ni Regine dahil ang ganda ng puwesto namin sa Platinum section.

Ilang kembot lang ang layo namin sa stage, salamat sa tiket na bigay ni Tita Malou Choa-Fagar (na galing sa producer na Viva Live. Tenkyu, Tita Malou!).

Impressed kami dahil iba ang repertoire ni Songbird sa second night.

May effort na ibahin ang mga kanta, so kahit nanood ka na nu’ng unang gabi ay parang ibang show ang pinapanood mo the next night.

Pansin lang namin na mas iniksian ni Reg ang spiels niya nu’ng second night. Mas maganda ang build up ng mga kuwento at hanash niya nu’ng unang gabi.

The same pa rin ang upbeat opening prod, pero Reason Enough ang sunod niyang inawit sa halip na You Made Me Stronger.

Ang Tadhana (ng Up Dharma Down) na first single from her new album R3.0 ang kinanta niya, hindi Hugot.

@vstyleteam IG

Feeling sixteen

Kung female belters ang ka-jamming niya nu’ng first night, male balladeers naman nu’ng second night.

Swabe ang hagod ni Mark Bautista sa In Love With You at ang higpit ng yakap sa kanya ni Reg.

Muli ang duet ni Jed Madela with Songbird. Parang gustong bumirit ni Jed, pero hindi niya magawa dahil hindi diva song ang Muli.

Kay Erik Santos natoka ang smash hit na Forever, na mas nagawang laruin ni Erik kaya klik na klik ito sa fans.

Hirit ni Reg, kinilig siya at feeling 16 years old bago niya kinanta ang Please Be Careful with My Heart kasama sina Mark, Jed at Erik.

@churvangswe3t IG

Standing ovation

Bumaba sa stage at nakipag-interact sa audience si Songbird habang inaawit ang paborito naming OPM ditty na Araw Gabi.

Ang ganda ng hagod dito ni Reg, infeyr!

Bet na bet din namin ang old hit niyang Kung Kailan Pa, na ang ganda ng lyrics kahit masakit sa puso at hugot na hugot.

Ang taas at hanep ang pag-sustain ng nota ni Reg sa kantang ito.

Kalma lang ang Sa ‘Yo Na Lang Ako na hit song ni Lara Maigue.

Bigay na bigay si Kween Regine nang banatan niya ang Sabihin Mo Lang.

Nandu’n pa rin ang duet nila ni Nate ng I Can with Mikee & Donna. Sobrang patok pa rin ito sa audience just like the previous night.

Ang daming Reginians na natuwa nang kantahin ni Songbird ang isa sa signature hits niyang Narito Ako.

Medyo hindi ganu’n kalinis ang pagkakatirada rito ni Regine at tila nag-struggle siya sa bandang dulo.

But still, bibilib ka sa effort niya kaya nag-standing ovation sa kanya ang appreciative crowd.

@kaatt_mina IG

Sarah lang, sapat na

“Mga kaibigan, ang superstar natin: Sarah Geronimo!” ang buong pagmamalaking pakilala ni Songbird sa Popstar Princess.

Bale si Sarah ang katapat ng limang Biriteras nu’ng unang gabi. Siya lang mag-isa, sapat na.

Sana Maulit MuliIkaw, Dadalhin at Ikaw ang Lahat Sa Akin ang dinuweto nila ni Regine.

Ang maganda kay Sarah ay hindi siya pa-impress at hindi pa-diva. Kaswal lang siya kahit ang husay-husay niya.

Walang ere. Walang feeling. Kaya mahal na mahal siya ni Songbird.

“Oh, giliw… Ms. Reg….” palambing na kanta ni Sarah sa dulo ng Sana Maulit Muli.

Pakanta rin siyang sinagot ni Regine ng, “Oh, Sarah… I love you, Sarah!” na ikinakilig ni SG.

Natatawang dugtong pa ni Reg after ng umaatikabong bosesan nila ni Sarah, “Nanggaling dito ‘yan. Naks! Ha! Ha! Ha! Iniluwal ko ‘yan. Ayan na siya!”

Ibig sabihin ay ‘nanay’ ang peg niya kay Sarah, ang anak-anakan niyang may karapatang maging successor niya at worthy na pagpasahan niya ng kanyang korona.

@sarahgeronimoshots IG
@vstyleteam IG
@vstyleteam IG

Living testament

Binigyan ng moment ni Regine ang kanyang butihing ina na si Mommy Tessie Velasquez o Mommy V nu’ng second night.

Nakaka-touch ang duet nila ng You’ll Never Know.

Cryfest pa rin ang tribute ni Reg for Mang Gerry, na sobrang perfect ang original song na First Man in My Life na sinulat ni Ogie especially for Regine.

Napakahusay talaga gumawa ng kanta ni Ogie. Sapul na sapul nito ang damdamin ni Reg para sa pumanaw na ama, kaya hindi niya mapigilang umiyak sa tuwing inaawit niya ito.

Retained pa rin ang worship song ni Reg na Oceans na papuri at pasasalamat niya sa Maykapal.

Ayon kay Regine, dahil sa faith niya kay Lord, siya ay isang living testament na nothing is impossible.

Napagtanto niya rin na wala na siyang kailangan pang patunayan sa 31 taon niya sa industriya (31st showbiz anniv niya this year, hindi lang 30th).

“This is me being grateful to God for gi­ving me this wonderful talent. Because of this ta­lent, I was able to help my family.

“Because of it, napag-aral ko ‘yung mga kapatid ko. Naging maganda ‘yung buhay namin.

“Hindi kami mayaman, that’s why I’m still working. But it’s a comfortable life. It’s not a hard life like before,” patotoo ni Regine, na very evident ang pagiging active now as a Christian.

Ang maganda kay Reg ay hindi pilit ang dating kapag binibigyang papuri niya ang Diyos.

Hindi preachy. Sakto lang. Kaya natural ang impact. Inspiring at uplifting.

@vstyleteam IG

Mas may WERPA

Inawit muli ni Reg ang Go the Distance just like the first night. Todo bigay siya sa birit ending nito.

Standing ovation ulit ang MOA Arena nang ibirit niya ang What Kind of Fool Am I? na itsura ng lumalaban siya ulit sa singing contest.

Wow na wow ang kanyang high notes.

In all fairness ay mas kabogera at mas may WERPA si Songbird nu’ng second night.

Ibang klase ang dibdib niya, parang makina na habang tumatagal ay mas lumalabas ang puwersa.

Mas bumubuka ang vocal pipes niya at mas naibubuga pa niya, sa halip na mapagod at maubusan ng enerhiya.

PETMALU kung PETMALU ang Loley n’yo, mga REPA!!!

@arlolopez IG

Fashion event

Kapag si Regine ang nag-concert ay hindi lang musical event kundi fashion event din.

Itsurang nagpa-fashion show si Reg all throughout the show, na pati ang audience ay inaabangan ang mga susuotin niya.

Nakailang palit siya ng fabulous gowns na kinarir ng iba’t ibang Pinoy designers.

Pawang Regine fans din ang mga designer, na nag-sample pa ng kantang mala-Songbird sa isang ipinalabas na video message.

Karamihan ng gowns ay ginamitan ng feathers. Magkakaiba lang ng kulay, design at creative interpretation.

Diyosa ng kalikasan ang karakter ni Regine na si Sandawa sa Mulawin vs. Ravena, pero tila ‘yung mga taong-ibon ang inspirasyon ng concert outfits niya na ang common theme ay balahibo.

And what a treat it was to watch the SongBIRD sing and soar onstage in all her feathered glory!

One last hirit

Mukhang matatagalan bago maulit ni Regine ang concert of this magnitude.

Maging ang kapatid at manager ni Reg na si Cacai Velasquez-Mitra ay nagsabing parang ayaw na niya itong sundan at mahirap i-top ang isang ito.

May mga nakapansin na tila itinodo na ni Regine ang lahat sa dalawang gabi na ‘yon dahil baka ito na ang kanyang huling major solo concert.

Mukhang hindi na raw kakayanin pa ni Reg na gawin ulit ito.

Ano’t anuman ay hindi na masama ang 31 years sakaling ito na nga ang last hurrah ng ating Primera Diva.

But from what we saw and heard ay kaya niyang umisa pa. Isang hirit pa na big venue, big production, big everything.

Maybe after 4 years, sa 35th anniversary niya. After that ay smaller and more intimate venues na lang.

There’s nothing more to prove anyway. She will forever be QUEEN.

Or if we’re lucky… one last hirit on her 40th anniversary.

Then our Reginian hearts will be super happy!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *