Scroll to Top

#Movies : ‘Star Wars: The Last Jedi’

By Allan Diones / Published on Sunday, 17 Dec 2017 21:18 PM / No Comments / 740 views

BEST. #STARWARS. MOVIE. EVER!!!

SOBRA kaming na-happy sa bagong Star Wars movie na The Last Jedi.

Ikawalo sa epic space opera film franchise at ikalawa sa sequel trilogy kasunod ng Star Wars: The Force Awakens (2015), patuloy ang epic adventure ng sikat na tropa ng galactic heroes.

Si Princess Leia a.k.a. General Leia Organa (Carrie Fisher), ang pinagpipitaganang Resistance Commander, ang nangunguna sa pakikipaglaban sa First Order, na pinamumunuan ng misteryosong Supreme Leader na si Snoke (motion-capture performance ni Andy Serkis).

Ang scavenger orphan turned Resistance fighter na si Rey (Daisy Ridley) ay nasa isla ng Ahch-To para kumbinsihin si Jedi Master Luke Skywalker (Mark Hamill) na tulungan silang isalba ang kalawakan.

Matagal nang retirado si Skywalker at nagtatago sa ‘most unfindable place in the galaxy.’ Matindi ang hugot nito sa malagim na sinapit ng kanyang young Jedi trainees.

Matigas ang desisyon ni Master Luke na ayaw na niyang lumantad at balikan ang nakaraan, pero hindi susuko si Rey hangga’t hindi nito nakukumbinsi ang hermit Jedi na muling lumaban at sanayin siya sa Way of the Force.

Habang tumatagal ay mas tumitindi ang puwersa ng buktot na si Kylo Ren a.k.a. Ben Solo (Adam Driver) na last time ay walang habag na pinatay ang sarili nitong ama na si Han Solo (Harrison Ford).

May kung anong pangitain na nag-uugnay kina Kylo at Rey, na nakakapag-usap sa pamamagitan ng kanilang mga isip.

Naniniwala si Rey na may nalalabi pang kabutihan kay Kylo at kaya niya itong iahon mula sa dark side.

Rey and Master Jedi Luke Skywalker on the island planet of Ahch-To in ‘Star Wars: The Last Jedi’/ ©Lucasfilm/Disney
Master Jedi Luke Skywalker/ ©Lucasfilm/Disney
Rey learns the Way of the Force/ ©Lucasfilm/Disney

Female empowerment

Ang ganda ng dynamics nina Luke at Rey bilang mentor-student at nakatutuwa ang mga eksena nila sa beautiful, watery planet ng Ahch-To.

May mga tanong si Rey tungkol sa kanyang mga magulang at sa kanyang tunay na pagkatao, kaya interesting ang telepathic visions nila ni Kylo na umi-Inception ang dating.

Mas lalo pang naging intense ang gandarang si Daisy Ridley rito sa The Last Jedi at humihiyaw ng female empowerment ang kanyang gutsy, fearless character.

Ang conflicted na apo ni Darth Vader na si Kylo Ren ay unpredictable ang takbo ng utak kaya mas maigting ang mga eksena nila ni Rey, lalo na nang iharap na siya nito kay Supreme Leader Snoke.

May pa-topless sa isang eksena si Adam Driver, na may narinig kaming nagtawanan sa audience dahil tila hindi sila sanay na makakita ng beefcake sa isang Star Wars movie.

Rey in a scene from ‘Star Wars: The Last Jedi’/ ©Lucasfilm/Disney
Kylo Ren in a scene from ‘Star Wars: The Last Jedi’/ ©Lucasfilm/Disney

May hidden powers

PAK na PAK pa rin ang hotshot rebel pilot na si Poe Dameron (Oscar Isaac), ang very charming at malakas ang sex appeal na bayani ng Resistance.

Ang ex-Stormtrooper na si Finn (John Boyega) ay nakahanap ng ka-tandem sa maintenance mechanic na si Rose Tico (Kelly Marie Tran).

In fairness ay nag-shine ang Vietnamese-American actress sa kanyang astig na role na handa rin sa anumang adventure tulad ni Finn.

Ang lakas ng dating ni Benicio Del Toro bilang DJ, ang stuttering codebreaker na kinuha pa nina Finn at Rose mula sa isang grandiosong casino sa Canto Bight.

Markado rin si Laura Dern bilang bagong karakter na si Vice Admiral Amilyn Holdo, second in command kay Organa.

Si Holdo ang humalili kay Organa nang maging incapacitated ito, pero namangha kami sa pambihirang kakayahan ni Leia na ngayon lang lumabas sa pelikulang ito.

May pagka-intimidating ang purple-haired character ni Dern, na nagpaalala sa amin nang slight sa Renata role niya sa hit HBO series na Big Little Lies.

General Leia Organa in ‘Star Wars: The Last Jedi’/ ©Lucasfilm/Disney
Vice Admiral Amilyn Holdo and General Leia Organa in a scene from ‘Star Wars: The Last Jedi’/ ©Lucasfilm/Disney
Poe Dameron and BB-8/ ©Lucasfilm/Disney
Rose Tico and Finn/ ©Lucasfilm/Disney

Millennial Ewoks

Ang lovable ng mga karakter sa The Last Jedi at nabigyan sila ng kanya-kanyang moment kaya talagang kakampi at makikisimpatya ka sa kanila.

Panahon na ng napaka-cute na si BB-8, kaya halos dekorasyon na lang ang classic droids na sina R2-D2 at C-3PO (Anthony Daniels).

Si Chewbacca (dating ginampanan ni Peter Mayhew na pinalitan ngayon ni Joonas Suotamo) ay malaking tulong pa rin kay Rey lalo na sa Millennium Falcon.

Porgs ang tawag sa penguin-like creatures na tipong millennial Ewoks. Walang silbi ang mga ito kundi maghatid ng cuteness sa big screen.

Ang lakas ng tawa namin sa dalawang caretakers, mala-madre na creatures na nahulugan ni Rey ng malaking tipak ng bato sa rocky island ng Ahch-To.

Agaw-pansin din ang crystal foxes sa kuweba.

May cameo appearance ang isang pointy-eared character na sobrang ikagagalak ng audience. Laging may hatid na warm, fuzzy feeling at good vibes ang importanteng karakter na ito.

Si Captain Phasma ay sobrang bitin ang screen time at ni hindi nakita ang mukha nito, kaya hindi mo malalamang si Gwendoline Christie (Brienne of Tarth ng Game of Thrones) ang nasa likod ng maskara nito.

BB-8 with a Porg in a scene from ‘Star Wars: The Last Jedi’/ ©Lucasfilm/Disney
Chewbacca with a Porg in a scene from ‘Star Wars: The Last Jedi’/ ©Lucasfilm/Disney

Sumakabilang-universe

Two years hinintay ng Star Wars fans ang bagong installment na ito at ibinigay naman ng writer-director na si Rian Johnson (nagdirek ng 2012 sci-fi movie na Looper ni Joseph Gordon-Levitt) ang gusto ng audience.

Ang lupet ng final 45 minutes nito. Kagila-gilalas ang lightsaber duels at epic kung epic ang aerial sequences.

Sa maliit na mineral planet ng Crait naganap ang climactic battle, na ang gandang pagmasdan ng crimson-red soil na gumuguhit mula sa white salt na dinadaanan ng Speeders.

Sari-sari ang naramdaman naming emosyon sa bandang ending na ang sarap namnamin. Satisfying!

May mga layer na unti-unting nabubuksan. Mga seemingly kampihan at trayduran, na posibleng they’re not what they seem to be.

May super-poignant moment sina Leia at Luke, na ang lakas ng tama sa amin, lalo na’t alam nating sumakabilang-universe na si Ms. Fisher.

Curious kami kung anong gagawin sa karakter niya sa susunod na movie, kung saan hindi na raw mapapanood ang nasirang aktres and Lucasfilm will not digitally generate new footage of her.

Solid ang performance dito ni Mr. Hamill at pinalakpakan ng audience ang pasabog na eksena niya sa dulo.

Hanggang sa closing credits ay may kurot pa rin sa puso. Nakakaiyak ‘yung nakasulat sa screen na, “In loving memory of our Princess Carrie Fisher.” Aaaawww!

‘Millennial Star Wars movie’ ang taguri ng iba sa The Last Jedi. Para sa amin, ito ang BEST. #STARWARS. MOVIE. EVER!!!

Owkayy, maybe next to the most critically-acclaimed The Empire Strikes Back (1980), but this is definitely a great installment.

May kahabaan ang 2 hours & 32 minutes running time nito, na keri lang dahil dalawang taon ulit ang hihintayin mo para sa kasunod.

Itong Episode XIII ang middle part ng trilogy, na ang lawak pa ng puwedeng takbuhin ng kuwento, kaya pagkakakitaan pa nang husto ng Disney ang 40-year-old franchise ni George Lucas.

Magbabalik si J.J. Abrams (ng The Force Awakens) para idirek ang Star Wars: Episode IX na ang showing ay sa December 20, 2019.

Ang impressive na si Rian Johnson ay may nakatakdang gawin na bagong Star Wars trilogy, na ang setting ay iba sa Star Wars universe.

The Last Jedi is definitely a MUST-SEE. For the best experience, umiwas sa spoilers at panoorin ito sa IMAX screen!

May the Force be with you! PAK!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *