Scroll to Top

#Stage : Regine Velasquez ‘R3.0’ Concert (First Night)

By Allan Diones / Published on Tuesday, 14 Nov 2017 08:40 AM / No Comments / 1188 views
WERPA DIVA, Dalawang Gabing Nangabog sa MOA Arena!
REGINE!!! WOOOHHH!!! PETMALUUU!!!
@jaysalvarez IG

First Night

DALAWANG magkasunod na gabing pinuno ni Regine Velasquez-Alcasid ang MOA Arena nu’ng October 21 & 22 sa 30th anniversary concert niyang R3.0.

Lumalabas ang datung ng mga Pinoy ‘pag si Regine ang may major concert.

Ang dami naming nakasabay na yayamanin nu’ng first night at kita mong handang magbayad ng tiket ang AB & CDE crowd maging ang masa, mapanood lang si Songbird.

Lower Box ang puwesto namin nu’ng unang gabi, sa tiket na bigay ni Tita Baby Gil (ng Viva Communications, Inc. Thank you, Tita Baby!).

8:35 PM nag-start ang palabas, na hiyawan ang soldout crowd sa pambungad na bilang ni Regine ng Call Me kasama ang sanrekwang dancers sa stage.

Binakapan siya ni Lara Maigue, na may mga operatic aria habang ibinibirit-birit din ni Reg ang nasabing dance hit.

Mulawin Couture’ ang tawag namin sa bonggaderang black gown ni Regine na gawa sa itim na feathers, na tinernuhan niya ng dark makeup kaya very Maleficent ang kanyang dating.

Nag-quick change lang siya sa stage ng sexier outfit, tapos ay segue sa upbeat number din na Hot Stuff.

Five years ago (November 16, 2012) ang huling solo concert ni Reg doon din sa MOA Arena.

Alam ng lahat ang nangyari nu’ng gabing ‘yon, na for the first time ever ay nawalan ng boses si Songbird on the day of her concert.

Hindi niya kinayang mag-show kaya inulit ang kanyang 25th anniversary concert ng January of the following year, na ginawa niya for free bilang pambawi sa kanyang loyal fans.

Sa first night ng R3.0 ay diretsuhang inamin ni Regine na she was never the same again after that.

Aniya, hindi lang ang boses niya ang nawala kundi pati ang kanyang confidence.

Nag-struggle daw talaga siya after her Silver concert at feeling niya, “Maybe I’ve lost it.”

Nakakabilib ang pagpapakatotoo at humility ni Regine, na umaming labis siyang natakot sa R3.0 concert niya dahil hindi niya alam kung saan niya pupulutin ang kanyang confidence.

In the end ay kumapit lang siya sa kanyang faith at nanalig na kaya niya itong gawin through Christ, na nagbibigay sa kanya ng lakas at kumpiyansa sa sarili.

Kaya ie-enjoy lang daw niya ang gabing ‘yon. Segue sa earlier hit niyang You Made Me Stronger.

Nabawasan ng power

Nang kantahin ng Asia’s Songbird ang bago niyang Tagalog song na Hugot mula kanyang latest album (na R3.0 rin ang pamagat), pansin naming hindi ganu’n kalinis ang pagkakaawit niya nito.

Agree kami na may nagbago na sa boses ni Reg, na dati ay walang sayad at walang garalgal.

Natakot kami nang slight sa mga birit portion ng kanta dahil ramdam naming nabawasan na ng power ang dating flawless singing voice ni Songbird.

After her medley ng You Were ThereBluer Than Blue at Fallin’ ay rumampa siya sa audience habang umaawit ng Tuwing Umuulan.

Inulit ni Reg ang linya niyang she’s not the same anymore and she now produces a different sound.

Grabe ‘yung hirit niyang, “At least, I can still carry a tune,” na punumpuno ng pagpapakumbaba at walang bahid ng insecurity.

In all fairness to her, may nagbago man nang kaunti sa kanyang tinig ay si Regine pa rin ang numero unong diva ng bansa.

Siya lang ang nag-iisang nakaluklok doon sa trono niyang ‘yon at wala pang ibang pumapalit sa kanya.

@china_cojuangco IG

Happy nostalgia feels

Ani Reg, even her life ay nagbago na dahil meron na siyang asawa’t anak.

Tinawag niya ang cute son niyang si Nate Alcasid at inawit nilang mag-ina ang I Can, na idinedikeyt niya kay Margot Gallardo, ang nasirang record producer ng nasabing kanta at ng iba pang songs sa DoReMi album.

Hiyawan ang buong Arena nang umentra ang surprise guests na sina Mikee Cojuangco-Jaworski & Donna Cruz-Larrazabal at nakiawit sa mag-ina.

May hatid na happy nostalgia feels ang kantang I Can, na theme song ng 1996 hit movie nilang tatlo na DoReMi.

Pinatunayan ng 6-anyos na si Nate na namana niya ang singing talent ng kanyang mga magulang.

Bukod sa may stage presence at walang nerbiyos ang bagets ay nagawa niyang makipagsabayan sa madir niya at mga kaibigan nito.

“My best friends,” ang pakilala ni Reg kay Donna, na ang sabi niya ay galing pa ng Cebu; at kay Mikee, na ang sey niya ay nag-voice lessons pa para sa number na ‘yon.

Benta sa audience ang mga patawa’t pakuwela ni Regine, na natural na nakakatawa at very jologs ang humor.

@churvangswe3t IG
@kaatt_mina IG

‘Susan’ at ‘Amalia’

Puwedeng mag-wiwi break sa NakakaLokal prod number ni Ogie Alcasid (Labyu, Ogs! Hehe!).

Pagbalik ni Reg sa stage ay pinansin ni Ogie ang tila namumutok na mga dibdib ng kanyang misis.

‘Susan’ at ‘Amalia’ ang paboritong tawag ni Reg sa kanyang magkabilang bumpers. Humirit si Ogs na ipakilala siya ni Reg sa mga ito.

Pilyang sagot ni Mrs. Alcasid, “Kilalang-kilala ka na nila!” na kiyemeng ikina-shock ni Ogie at nagreak na bastos pala ang kanyang asawa.

May himig paglalaswa pa rin ang biro ni Reg na ang laki-laki (ng puso) at ang haba-haba (ng pasensiya) ng kanyang mister, kaya laugh galore ang crowd.

Nang magtanong si Ogs sa audience ng, “Ilan sa inyo ang bakla?” ay kinorek siya ni Reg at sinabing ang dapat nitong tinanong ay, “Sino ang straight dito?”

Biruan kasi ng mga beks na sarado ang mga parlor nu’ng araw na ‘yon dahil concert ni Songbird na Reyna ng mga Bakla.

Pabirong sundot ni Reg, isang tumbling na lang ay beks na rin ang mister niyang si Ogie.

Nag-duet ang mag-asawa ng theme songs na sinulat ni Ogs para sa mga pelikula ni Regine (Kailangan Ko’y Ikaw, PangakoHanggang NgayonPangarap Ko Ang Ibigin KaSa Piling Mo).

Tumugtog ng keyboards si Ogie sa senti segment ng OgRe, na sa dulo ay nag-kiss sina Mr & Mrs A.

May hugot din si Mrs. Alcasid sa kanyang pagiging maybahay, na aminado siyang hindi siya perfect wife.

Wagas ang pasasalamat niya sa mister niyang si Ogie na siya raw pinagkukunan niya ng lakas.

“Actually, alam ko, kay Lord naman nanggagaling ‘yon, pero grabe po talaga ang suporta at lakas na ibinibigay sa akin ng tao na ‘to.

“It’s wonderful to be married, providing you’re married to the right person. And I’m happy to say, I married my best friend.”

@vstyleteam IG

Beaucon levels

May pailaw ang audience gamit ang flash sa kanilang mga celfone camera nang kantahin ni Regine ang You Are My Song.

Habang tumatagal ay mas naaabot ni Reg ang kanyang birit notes at mas lumalabas ang puwersa ng kanyang boses.

Pinangatawan niya ang pagiging Gay Icon sa beks na beks na Urong Sulong prod complete with mga nagrarampahang mujerista sa stage.

Beaucon levels ang mga ganap sa entablado sa dami ng mga bading na naki-jamming sa kanilang mahal na reyna.

Tsika ni Songbird, naranasan niyang pakantahin ng kung anik-anik na music genre before, kahit hindi niya forte dahil ‘yun ang uso nu’ng panahong ‘yon.

Ang R&B song na Weak ay one week niya raw inaral. Ang taas-taasang Butterfly ni Mariah Carey ay two weeks.

Nakipagrakrakan siya sa We Will Rock You ng Queen, na nagtapos sa Single Ladies ni Beyonce.

Kasayaw pa rin niya ang mga katropa niyang sirena at diwata sa number na ikagagalak ng LGBT community.

Vocal showdown

Isa sa most applauded segments sa unang gabi ng R3.0 ay ang vocal showdown ni Regine with the young Biriteras.

Una si Angeline Quinto na bumanat ng On The Wings of Love. Hindi gaanong nagpaandar si Angeline, na bumirit pero mas nangibabaw pa rin si Songbird.

Shine ang inawit ni Julie Anne San Jose with her Ate Reg. Mataas at malinis ang pagkakaawit ni Julie Anne, pero hindi pangabog levels na tipong maa-outshine niya ang kanyang mga kasabayan.

Si Aicelle Santos ay nakipaglebelan sa puwersa ni Regine sa Say That You Love Me at mas itinaas pa nito ang nota, kaya grabe ang palakpak at yakap sa kanya ni Reg.

Si Jona ay mataas ang banat sa I Don’t Wanna Miss A Thing pero nothing unusual at hindi nanggulat.

In all fairness kay Morissette Amon, hindi ganu’n kasikat ‘yung song na Sometime, Somewhere pero nakipagtagisan at nakipagmataasan siya rito ng tinig kay Songbird.

Hindi nagpatalbog ang powerful voice ni Morissette, kaya tulad ni Aicelle ay applauded siya ng crowd at wagas ang palakpak sa kanya ni Reg.

Sama-sama nilang inawit ang In Your Eyes at sa bandang huli ay mas lumutang at nangibabaw pa rin ang orig na WERPA BIRITERA (jeprox slang ng POWER BELTER, mga ‘teh!).

Hangga’t nagko-concert ang 47-anyos na Queen Diva ay mananatiling mga ‘Dama’ lang niya ang young Biriteras.

Binigyan ng audience ng standing ovation ang makapatid-litid na performance ng anim na maga­galing na singers.

“Please take a vow to your new queens. A big hand for your new queens!” bulalas ni Songbird, na tila ipinapasa na ang audience sa mga nakatakdang humalili sa kanya pagdating ng panahon.

Kahanga-hanga ‘yung pagiging supportive ni Reg sa mga bata at baguhang singer. Parang kapatid kundi man anak ang turing niya sa mga ito, na lahat ay siya ang tinitingalang idolo.

Siya ang nag-iisang LODI para sa mga young diva na ito! PAK!

@evelyndeleon22
@vstyleteam IG

Alay kay Mang Gerry

Poignant moment ng show ang madamdaming tribute ni Regine para sa kanyang namayapang ama na si Mang Gerry.

Nag-virtual duet ang mag-ama nang sabayan ni Reg ang old video na inaawit ni Mang Gerry ang You’ll Never Know na mula sa isang musical special ni Reg sa Kapuso network.

Ramdam ng lahat ang pangungulila ni Regine sa kanyang ama, na never nawala sa mga concert niya.

Emosyonal niyang kuwento, ito ang nagbigay sa kanya ng pangalan niyang Regina Encarnacion Velasquez (na later on ay binago at ginawang ‘Regine’ ng manager niyang si Ronnie Henares).

“Regina actually means queen. I am not a queen. I’m very far from being a queen.

“But my ­father gave me such a huge name that I was thinking, maybe when he gave me this name, he had a dream and a hope in his heart that one day, I will become somebody important.

“So, he blessed me with this name. It’s like parang binasa na niya ang future ko. So, to my father, thank you. Thank you for everything.”

Grabe ang iyak ni Regine (at ng audience din) nang kantahin niya ang tagos-pusong First Man in My Life na alay niya para sa kanyang amang nasa langit na.

@vstyleteam IG

Satisfied audience

Nagpasalamat si Songbird kay Jesus Christ na nagbigay ng kanyang tinig at nagbalik muli ng kanyang confidence.

Aniya, ang daming insecurities ‘pag tumatanda na. Ang dami nang iniisip, samantalang dati ay tira lang siya nang tira. Pero dahil sa kanyang paniniwala sa Diyos ay nagagawa pa rin niya ang pagkanta.

At pangako niya, “Hangga’t may makikinig, kakanta ako.”

Ang ganda ng dramatic lighting nang awitin niya ang praise song na Oceans, na isang spotlight lang ang nakatutok sa kanya habang nakaluhod siya sa stage.

Pinasalamatan muli ni Regine ang Panginoong Hesus dahil ito raw ang nagbibigay sa kanya ng lakas sa lahat ng mga pagsubok na pinagdara­anan niya.

Sing siya ng soaring Disney theme na Go the Distance, na sa dulo ay may pa-virtual wings sa LED screen.

Bale Love Me Again ang encore song ni Songbird, then she ended the show with Follow the Sun.

Past 11:00 PM nagtapos ang unang gabi ng R3.0 na umuwing very satisfied ang kanyang lively audience.

@jaysalvarez IG
@jaysalvarez IG
@divastar_klao IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *