Scroll to Top

WATCH: Agot Isidro and co-actors talk about possibility of falling for a same-sex partner

By Allan Diones / Published on Friday, 19 Jan 2018 17:57 PM / No Comments / 3638 views

GENDER FLUIDITY ang isa sa napag-usapan kahapon sa presscon ng musical film about relationships na Changing Partners.

Ang isa sa apat na bida ng pelikula na si Sandino Martin ang nagbanggit ng tungkol sa pagiging fluid ng gender, lalo na sa panahon ngayon na tila unti-unti nang nabubura ang gender at ibang-iba na ang gender politics at sexual spectrum.

Ang tanong namin kina Ms. Agot Isidro, Anna Luna, Jojit Lorenzo at Sandino: bilang nagbabago nga ang gender at sexual preference, posible kaya na mainlab sila sa isang same-sex partner?

Sagot ni Ms. Agot, hindi niya dyina-judge ang gender preference ng sinuman, pero siya ay talagang girl na girl.

Meron siyang good relations at friendships sa iba’t ibang gender, pero aminado siyang hindi niya rin alam kung anong puwedeng mangyari in the future because love is love. At sana raw ay huwag din siyang i-judge kung mangyari man ‘yon.

But for now, at sa palagay niya ay in the long run, babae talaga siya at lalaki ang gusto niya.

Sumundot kami ng tanong kung may pagkakataon na naligawan siya o may gay female na nagpakita ng interes sa kanya, pero ‘dense’ daw siya sa mga ganu’ng bagay at hindi siya assumera.

Siguro raw ay may nanligaw, pero hindi niya naramdaman dahil medyo dumb siya sa mga gano’n. Kaya rin daw wala siyang dyowa dahil dense siya.

Agot Isidro at the presscon of 'Changing Partners'/ ©allandiones.com
Ms Agot with 'Changing Partners' co-actor, Jojit Lorenzo/ @starcinema IG
Two of the 4 lead stars of 'Changing Partners' - Sandino Martin & Anna Luna/ @starcinema IG

Guwapo o maganda, naa-appreciate ni Sandino

Si Anna Luna ay babaeng-babae rin at 9 years na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend. Since high school ay sila na at never silang nag-change ng partner.

Medyo malapit daw si Anna sa mga lesbian, pero hindi naman siya naligawan or anything. Klaro raw sa utak niya kung ano siya.

Si Jojit Lorenzo, ang sabi ay may possibility na magmahal siya ng kapuwa niya lalaki, pero medyo matipid ito sa kanyang sagot.

Si Sandino Martin stood by his statement na gender is fluid. Galing pala siya sa Mormon family but he came up with that idea nu’ng nasa college siya.

Naniniwala si Sandino na as human beings, we are sexual at love ang ating universal language, so we can love everybody else.

Sabi niya nga ay he came up with that, so base ba ito sa kanyang personal na karanasan?

“Yes, I can say,” mabilis na sagot ng binata, na huling napanood na kumakanta rin at umaarte sa musical film na Ang Larawan sa nakaraang 2017 MMFF.

So, nagkaroon na siya ng same-sex relationship?

“Ahh, I appreciate beauty,” tugon ni Sandino na pinalakpakan ng mga nasa presscon.

“I appreciate beauty. Ganu’n po ako, eh. ‘Pag may nakikita po akong maganda, guwapo, ‘Oh, maganda!’ ‘Oh, guwapo!’ Ganu’n po ako,” bulalas pa ni Sandino.

Ms Agot won Best Actress at the 2017 Cinema One Originals fillmfest for her performance in 'Changing Partners'/ @joselfetalino IG

Game sa girl-to-girl action

Bale dual roles ang ginagampanan ng bawat isa sa apat na artista ng Changing Partners. Isang straight na karakter at isang gay—because it’s a love story that is shown through the perspective of different genders, showing how a real relationship works.

Kuwento ni Agot, cougar ang role niya rito, both sa heterosexual relationship na mas matanda siya sa karelasyon niya, at ganu’n din sa gay relationship na she’s with a younger gay female.

“It’s a reality that everyone goes through. It’s very universal, lahat ng tao, nakadama ng gano’n,” sey niya tungkol sa challenges na pinagdadaanan ng mga relasyon, gay man o straight.

Sa tanong namin kung may intimate scenes ba sila ni Anna, ang sagot ng singer-actress ay panoorin namin ang movie. Dapat daw ay may element of surprise.

Aniya, depende sa project para mapapayag siya na gumawa ng mga ganu’ng eksena. Kung magandang-maganda, kailangang-kailangan o essential sa storytelling, bakit hindi eh artista siya?

Sa Changing Partners ay medyo daring si Ms. Agot. Dual role kasi, so dapat daw ay ma-differentiate ang gender nu’ng dalawang karakter na pino-portray niya.

Anna, Agot, Sandino & Jojit won a Special Citation for Ensemble Acting for their standout performances in 'Changing Partners' at the 2017 Cinema One Originals filmfest/ @dan_villegas IG
'Changing Partners' opens January 31 in cinemas nationwide

Passion project

Nagwaging Best Actress si Agot para sa Changing Partners sa 2017 Cinema One Originals filmfest. Super-happy siya dahil very dear to their hearts ang small passion project nila na ito.

Nang gawin nila ‘yung original play version nito ay abonado pa sila at hindi sila kumita. Rehearsals nila ay walang bayad, pero they totally believed in the project at ang ganda-ganda raw ng script at music nito, so isang malaking reward ang manalo ng award para rito.

“Even the audience reaction to the film, doon pa lang, okey na okey na kami, eh. And to get recognized and appreciated for our efforts, bonus na bonus na bonus na ‘yon. But we didn’t make it for any of that. It was really a passion project,” masayang bulalas ng 51-anyos na aktres na gandara pa rin.

They’re hoping that people will see it and appreciate it and spread the word sa kanilang small film.

Ito ang first musical film na dinirehe ni Direk Dan Villegas, na nagwaging Best Director sa C1 Originals filmfest last year. Nanalo ring Best Actor dito si Jojit Lorenzo, Best Music si Vince de Jesus, Best Editing si Marya Ignacio, Best Ensemble Acting ang cast, tapos ay nagkamit din ito ng Audience Choice Award at Champion Bughaw Award.

Sa January 31 ang showing sa mga sinehan nationwide ng Changing Partners released by Star Cinema.

Panoorin sa ibaba ang interview namin sa stars ng pelikula. Please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube channel. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *