Scroll to Top

WATCH: Hashtag Ryle Santiago speaks up about his alleged scandal photo

By Allan Diones / Published on Friday, 19 Jan 2018 12:05 PM / No Comments / 8892 views

WHOLESOME ang Hashtag member na si Ryle Santiago at ang ineendorso niyang Cherub Baby Care products, pero gusto naming malinawan about his alleged scandal photo kaya tinanong namin ito nang diretso sa kanya.

Last year ay may kumalat na scandal photo na sinasabing si Ryle, na naka-expose ang private part nito. ‘Yun ang time na sunod-sunod ang naglalabasang scandal photos and videos ng male celebrities.

Hindi pa nagsasalita ang 19-anyos na Kapamilya actor tungkol dito kaya na-curious kaming hingin ang reaksyon niya.

Game namang sumagot si Ryle at ang hirit niya sa amin, gusto niyang sabihin na siya ‘yon, pero masyado raw malaki ‘yung (private part ng) nasa picture, so nahiya naman siya. Natawa ang bagets pagkasabi niya nu’n.

Actually, ang nakita naming dick pic umano ni Ryle ay hindi ganu’n ka-impressive, so ibang photo yata ang tinutukoy ng binata.

Sey niya, hindi lang kasi isang pic ang nakita niya—may masyadong maliit at masyadong malaki.

Gusto raw sana niyang i-claim na sa kanya ‘yung malaki, kaya lang, “‘Pag may nakasama ako at nakita naman ‘yung akin, baka ma-disappoint. Ha! Ha! Ha! Hindi, joke lang!”

Ganern? Disappointing ba?

“Hindi naman, hindi naman sa gano’n. Alam mo, sabi nila, performance over size,” pilyong pakli pa ng binatang mahusay sumayaw.

Hashtag Ryle Santiago says he doesn't take nude selfies and do sexchats/ @hashtag_ryle IG
19-year-old Ryle at the presscon of Cherub Baby Care products, which he is now the brand ambassador/ ©allandiones.com

Ang sabi ni Ryle, takot siya sa mga ganu’n kaya hindi siya nakikipag-sexchat o nakikipag-Skype na kinukunan ang sarili niya nang hubad o may ginagawang something naughty. Hindi rin daw siya nagnu-nude selfie o bini-video ang sarili niya while naked.

Katwiran niya, he doesn’t see the need kung bakit kailangan niyang gawin ‘yon. Kung gusto niya raw mag-explore o mag-experiment ay kukuha siya ng tao, live, dahil mas gusto niya nang personal at hindi siya nasa-satisfy o naa-arouse sa mga chat-chat na gano’n.

Siniguro sa amin ni Ryle na hindi siya ‘yung nasa kumalat na scandal pic at sure daw siyang wala siyang nude video o photo.

Ang charming and cheerful na si Ryle ang kinuhang brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products para sa kanilang Cherub Baby Care products na may Baby Wipes, Baby Soap, Baby Powder at Baby Cologne.

Sobrang happy ang binata na part na rin siya ng Megasoft family kung saan endorsers din sina Jolina Magdangal (Super Twins Easy Wear Baby Pants) at Myrtle Sarrosa (Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners).

Napapanood si Ryle bilang part ng boygroup na Hashtags sa It’s Showtime at sa bagong Kapamilya teleseryeng Asintado bilang kapatid ng bidang si Julia Montes.

Panoorin below ang interview namin kay Ryle. Please Like, Share and SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *