Scroll to Top

WATCH: JaDine movie producer Dan Villegas on James Reid’s ‘naglalasing’ issue: “Kung umiinom nga siya, eh ‘di uminom siya. Basta’t pumunta siya sa set namin.”

By Allan Diones / Published on Thursday, 18 Jan 2018 18:39 PM / No Comments / 3500 views

MAINGAT si Direk Dan Villegas sa mga sagot niya sa amin tungkol sa mga isyung naglalabasan kaugnay ng pagkaka-pack up ng mga shooting ng bagong JaDine movie na Never Not Love You.

Si Dan pala ang producer nito at ang nobya niyang si Antoinette ‘Tonet’ Jadaone ang writer-director.

Ayon kay Direk Dan, he’s taking things at face value sa isyung ito, kaya hindi rin siya gaanong makapagsalita.

Napag-uusapan ang tungkol sa professionalism ng mga artista ng pelikula na sina James Reid at Nadine Lustre.

May bali-balita ang ilang netizens na kesyo ‘sobrang kalasingan’ umano ang dahilan ng biglang pagkaka-pack up ng shooting ng JaDine last Saturday.

Nang tanungin namin si Dan kung naglalasing nga ba si James kaya hindi ito nakakapag-report sa shooting, ang sagot niya ay hindi niya nakakasamang uminom ang Kapamilya actor, so mahirap magsalita tungkol dito.

“Kung umiinom nga siya (James), eh ‘di uminom siya. Basta’t pumunta siya sa set namin,” bulalas ni Direk Dan.

Apparently ay hindi dumarating sa set si James at doon nagkakaroon ng problema?

“Napa-pack up nga. Tinatanong ako about drinking (doon sa presscon ng Changing Partners kung saan namin siya nakausap). Is it bad: drinking? If it affects your work, don’t. Pero kasi, kung gusto mo, it’s your life,” pakli ng award-winning director ng English Only, Please, Walang Forever at Changing Partners.

May balita rin ang ibang netizens na sinasabing spotted si James sa isang bar nu’ng Linggo, the day after ma-cancel ang shooting ng JaDine movie.

Hindi alam ni Direk Dan kung ganu’n nga ang mga kaganapan. May meeting sila later at titingnan niya pa kung anong mangyayari sa nasabing meeting.

Gusto man daw niyang magbigay sa amin ng magandang sound bites ay hindi niya magawa dahil kailangan niya munang makipag-meeting.

Naidirek noon ni Direk Dan sina James at Nadine for a few weeks sa Kapamilya teleseryeng On the Wings of Love at sa pilot ng Till I Met You na sa Greece pa kinunan. Okey naman ang experience niya sa JaDine at walang anything major na nangyari.

Si Direk Tonet ang nagdirehe pareho ng JaDine teleseryes na OTWOL at TIMY.

James Reid: Naglalasing nga ba kaya hindi nakakasipot sa shooting ng JaDine movie?!/ @mac_igarta IG
Direk Dan Villegas: maingat pero malaman ang mga pahayag/ ©allandiones.com

Direk Dan on Nadine’s health issues: “If masama ang pakiramdam niya, sabihin na. Kasi, nagkakasa na kami, eh.”

Si Nadine ay balitang masama talaga ang pakiramdam kaya hindi nakapag-report sa shooting ng Never Not Love You.

Sa kanyang Instagram Stories ay ipinakita ni Nadine ang X-ray result ng kanyang spinal column. Ang caption dito ni Nadz ay, “Diarrhea, Fever, severe Back pain since last Friday. That’s all you need to know.”

Sey ni Direk Dan, he’s hoping na tuloy pa rin ang movie project nila ni Direk Tonet with JaDine. At kung may problema man si Nadine sa health nito ay dapat nilang malaman ‘yon.

“If masama ang pakiramdam niya, sabihin na. Kasi, nagkakasa na kami, eh,” pakli ng producer ng Never Not Love You.

Marami na pala silang nai-shoot, kaya raw mas nakakapanghinayang kung hindi ito matutuloy. Napanood ni Direk Dan ‘yung ibang edits ng nakunang scenes at happy siya para kay Tonet dahil ang ganda ng work nito, kaya mas napi-feel niya ang frustration nito sa erratic shooting sked ng pelikula.

As of kanina nang makausap namin si Direk Dan ay tuloy ang punta nila ng London with JaDine sa Sabado. Mga one week or so raw sila roon.

Ayaw niyang mag-spoiler, pero malaking part daw ng kuwento ng pelikula ang London, so hindi puwedeng hindi matuloy ang shoot nila roon.

Panoorin below ang interview namin kay Direk Dan Villegas, na naganap this afternoon sa presscon ng latest movie niyang Changing Partners na ipapalabas sa mga sinehan nationwide on January 31.

Please Like, Share & SUBSCRIBE na rin to our YouTube channel. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *