Scroll to Top

WATCH: Producer of JaDine movie Dan Villegas talks about shooting delays and other issues: “As of now, tuloy ‘yung London on Saturday.”

By Allan Diones / Published on Thursday, 18 Jan 2018 16:26 PM / No Comments / 2339 views

PRODUCER pala ng JaDine movie na Never Not Love You si Direk Dan Villegas, kaya kasama siyang nag-ocular sa London ng girlfriend niya at direktor ng pelikula na si Direk Antoinette Jadaone.

Ngayong hapon sa presscon ng movie na Changing Partners (na dinirek ni Dan at ire-release ng Star Cinema sa January 31) ay hiningan namin ng reaksyon si Direk Dan tungkol sa inilabas na hinaing ni Direk Tonet kaugnay ng madalas na pagkakakansela ng shooting ng nasabing JaDine movie.

Last Saturday, January 13, ay nag-tweet si Direk Tonet na hindi niya alam ang gagawin dahil nalaman na lang niya na biglang pack up ang shooting nila that day.

At sa mas mahabang post nito sa kanyang blog nu’ng Monday ay nabanggit ni Direk Tonet na nagiging erratic na ang filming ng kanyang ‘Foolish Movie’ (Here’s to the Fools ang unang pamagat ng JaDine movie) at parami nang parami ang naka-cancel na shooting, na ‘yung iba aniya, ang rason ay heartbreaking kaya naiiyak na lang siya.

Worried ang direktora at sana raw ay ma-sustain niya ang excitement niya sa JaDine movie. May nabanggit pa siyang naiisip niyang i-channel ang kanyang energies sa ibang project.

Obviously ay frustrated si Direk Tonet kaya nagamit niya pa ang salitang ‘nabuburyong.’

May shoot ang Never Not Love You sa London at ayon kay Direk Dan, as of now ay tuloy ang lipad nila pa-London sa Sabado.

Pero may meeting pa sila later today, so hindi niya pa alam kung anong mapagkakasunduan mamaya. Mag-a-update na lang daw siya kung meron na.

Direk Dan Villegas with girlfriend Direk Antoinette Jadaone, director of the JaDine movie, 'Never Not Love You'/ @dan_villegas IG
Nadine Lustre & James Reid/ @asapofficial IG

Para kay Direk Dan, nag-angst lang ‘yung direktor ng movie at kung siya man daw si Direk Tonet na hindi natutuloy ang shooting ay talagang frustrating ‘yon. Hindi pa sila nakakapag-usap ni Tonet para upuan ang tungkol dito.

Doon naman sa mga rason ng pagkaka-pack up ng shooting na heartbreaking, ang sabi ni Direk Dan ay kung siya man ‘yon ay ganu’n din ang mararamdaman niya. Alam niyang very frustrated ang nobya niya and he stands with her dahil nakakapikon ‘yung nangyayari.

Ganunpaman ay desidido raw si Direk Tonet na ituloy ito dahil pet project nito ang nasabing JaDine movie, pero sana ay huwag magtuluy-tuloy ang frustration nito dahil nakakasimpatya raw siya sa pinagdaraanan nito.

“Huwag sana dumating ‘yung point na naiinis ka na sa footage mo. Mahirap ‘yun, eh,” makahulugang sambit pa ni Direk Dan, na buo ang suporta sa kanyang director girlfriend.

Panoorin below ang interview namin kay Direk Dan sa presscon ng Changing Partners, na bida sina Agot Isidro, Anna Luna, Jojit Lorenzo at Sandino Martin; showing on January 31 in cinemas nationwide.

Please Like, Share & SUBSCRIBE na rin to our YouTube Channel, thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *