Scroll to Top

Judy Ann Santos kung may bahid ng kabadingan si Ryan Agoncillo: “Walang-wala! Thank God! Ha! Ha! Ha!”

By Allan Diones / Published on Wednesday, 17 Jan 2018 12:42 PM / No Comments / 1242 views

NATUKLASAN ni Judy Ann Santos na closet gay pala ang mister niyang ginagampanan ni Joross Gamboa sa pelikulang ang Ang Dalawang Mrs. Reyes.

What if sa totoong buhay mangyari na mabuking ni Juday na bading pala ang mister niyang si Ryan Agoncillo?

Ang sagot ni Juday, malamang mangyari rin sa kanya ang nangyari sa karakter niyang Mrs. Reyes sa movie—matitigalgal muna siya ng mga 3 days bago siya magsimulang maghalungkat ng ebidensiya.

“Kung sa totoong buhay siya mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ‘yung sarili mo. Kasi, there’s really no way out du’n sa sitwasyon, eh. Bago ka makawala, masasaktan ka muna. So, ‘yun ang prinoseso nu’ng dalawang Mrs. Reyes,” bulalas ng Kapamilya actress.

Wala naman siyang nakikitang bahid ng kabadingan kay Ryan?

“Walang-wala! Thank God! Ha! Ha! Ha! Walang-wala! Wala!” paulit-ulit na dayalog ng natatawang si Juday.

Judy Ann Santos' look when they shot scenes in Taiwan for the movie, 'Ang Dalawang Mrs. Reyes'/ @juansarte IG
Judy Ann with loving hubby, Ryan Agoncillo/ @officialjuday IG
Mr & Mrs Agoncillo at the premiere night of 'Ang Dalawang Mrs Reyes'/ @officialjudayph IG

Angelica, encyclopedia ng kabaklaan

Si Angelica Panganiban ang gumaganap bilang isa pang Mrs. Reyes sa Ang Dalawang Mrs. Reyes. First time magkasama sa pelikula nina Judy Ann at Angelica sa proyektong dinirek ni Jun Robles Lana.

Nagkatrabaho sila sa Kapamilya teleseryeng Sa Puso Ko Iingatan Ka 17 years ago, na 14-anyos lang si Angelica.

Sey ni Juday, matagal na silang magkaibigan at baby-baby niya si Angge nu’ng maliit pa ito.

Sa dami raw ng pinagdaanan nito sa buhay ay nag-mature ito nang bongga in a very nice way.

Nakakatawa ‘yung sinabi ni Juday na lahat ng wisdom ng kabaklaan ay na kay Angelica at encyclopedia ito ng kabaklaan. Napapanganga raw siya kung saan hinuhugot ni Angge ang mga pinagsasasabi nito.

Dugtong niya pa, kahit nu’ng maliit pa si Angelica ay hindi talaga ito masalita, nag-o-observe lang. Ngayon ay nag-blossom ito into a beautiful flower, pero ‘pag gabi ay nalalanta sa pag-ibig.

Pero ayon kay Juday, napabuti si Angelica nu’n, napaganda ang career nito at tingin sa buhay. That’s why she’s happy for her.

Hirit niya pa, malalim silang mag-usap na dalawa, pero puwedeng ikambyo ng baklaan. Tapos ay lalalim ulit. Ganu’n daw kabaliw ‘yung friendship nila.

“Bordering na kami sa pagpasok ng Mental! Pasok kami du’n!” natatawang pakli ng Kapamilya Soap Opera Queen.

Judy Ann with 'Ang Dalawang Mrs Reyes' co-star, Angelica Panganiban/ @starcinema IG
Juday & Angelica, happily taking a selfie at the premiere of 'Ang Dalawang Mrs Reyes'/ @officialjudayph IG

Natakot at nawalan ng confidence

Alam ni Judy Ann na magaling na aktres si Angelica lalo na sa comedy, kaya aminado siyang natakot siya nang gawin nila ang pelikula.

After the 3rd shooting day ay tinanong ni Juday si Direk Jun Lana kung okey ba o may kulang sa akting niya. Ganu’n siya kawalang confidence sa sarili niya at sa kakayahan niya bilang aktres.

Napaka-humble ni Juday nang sabihin niya na feeling niya, she has lost it dahil sa tagal din niyang hindi gumawa ng mainstream movie. Pero na-enjoy niya ‘yung buong proseso, natuto raw siya at na-challenge.

Aniya, kaya niya tinanggap ang project na ito na mula sa Star Cinema, Quantum Films at The Idea First Company ay dahil naghahanap siya ng materyal na outside her comfort zone.

Lagi na lang daw kasi siyang umiiyak, so gusto niyang maiba naman at bago siya mag-40 ay magawa niya ito. And after doing this movie ay napaisip si Juds, na ginawa niya ito ngayong may asawa’t anak na siya. Kaya ang biro niya ay baka nagmi-midlife crisis na siya.

Gusto niya ng something refreshing, gusto niya ng change at ito ‘yon. Dapat pala ay may ibang project silang gagawin ni Direk Jun, pero ito ang inuna nila at ikinatuwa ‘yon ni Juday.

Today, January 17, ang showing sa mga sinehan nationwide ng Ang Dalawang Mrs. Reyes na Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Beautiful Juday at the premiere of 'Ang Dalawang Mrs Reyes'/ @robbiepinera IG
Graded A by the CEB, 'Ang Dalawang Mrs Reyes' opens today (January 17) in cinemas nationwide/ @starcinema IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *