Scroll to Top

WATCH: What’s the real score between Sofia Andres & Diego Loyzaga? Sofia answers… and Diego too!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 16 Jan 2018 15:39 PM / No Comments / 1606 views

ANO nga bang relasyon nina Sofia Andres at Diego Loyzaga?

Kapag tinatanong sila kung mag-on sila o sila bang dalawa, ano ang isinasagot nila?

That’s exactly what we asked the SofiEgo loveteam, na may first movie na together, ang Mama’s Girl from Regal Films.

Nang diretso naming tanungin si Sofia sa presscon ng Mama’s Girl tungkol dito, ang sagot ng 19-anyos na Kapamilya star ay they’re not officially together. Ang dahilan niya ay mahirap pa sa ngayon.

Basta nagsasabihan daw sila ng problema at masaya sila ni Diego sa isa’t isa.

Hindi raw sila, pero parang may say si Diego sa sinusuot ni Sofia at pinu-post sa social media. Ayaw nito na meron siyang pa-cleavage at nag-aaway daw sila sa mga ganu’ng bagay. Pero kay Sofia pa rin ang final say kung anong gusto niyang suotin at i-post sa socmed.

Nakakaaliw ‘yung sinabi ni Sofia sa presscon na si Diego ‘yung tipo ng lalaki na mukhang babaero.

Ang exact words daw ng mommy niya rito ay, “Naku, Montano ‘yan. Delikado tayo diyan!”

But in fairness ay na-prove naman daw ng binata na mabait ito. Dumadalaw si Diego sa bahay nina Sofia at mas gusto ng mom niya na nakikita ito na doon sa bahay nila bumibisita.

Sofia Andres stars in Regal Films' opening salvo for 2018, 'Mama's Girl'
The SofiEgo loveteam of Sofia Andres & Diego Loyzaga is being launched in 'Mama's Girl' from Regal Entertainment

Natanong din namin ang dalaga tungkol sa tweet niya kamakailan na medyo nainis siya sa isang nag-comment sa swimsuit post niya sa Instagram na kesyo insecure daw siya sa katawan niya dahil hindi siya sexy.

Tweet ni Sofia, “I didn’t create an account on Instagram to show my tits and butt or show too much skin. There’s this anonymous who actually thinks I’m insecure and can’t be proud of my body. I love myself.”

Sabi sa amin ng tisay na dalaga, love niya ang body niya at meron siyang right to post anything she wants.

Hindi siya inseure sa body niya kahit ‘yung tiyan niya ay aminado siyang minsan ay bloated. Just like Diego ay proud din daw siya sa body niya.

Happy and excited si Sofia sa movie nila ni Diego na Mama’s Girl, where veteran character actress Sylvia Sanchez plays her mother.

Aminado si Sofia na mama’s girl siya in real life. Very open siya sa mom niya at malaking tulong ito sa buhay niya.

Hoping ang dalaga na maraming manood, lalo na ang millennials ng Mama’s Girl na bukas, January 17, ang showing sa mga sinehan nationwide.

Si Diego ay tinanong namin doon sa farewell presscon ng first Kapamilya teleserye ng SofiEgo na Pusong Ligaw na nagwakas na sa ere nu’ng Biyernes.

Ang sagot ng 22-anyos na binata, hindi niya lalagyan ng label na magkasintahan sila ni Sofia at may paliwanag siya rito.

Aniya, ang sa kanilang dalawa ay wala nang selos, walang selfishness at hindi normal na relasyon ng magdyowa o magkasintahan. Ito raw ay better and deeper pa roon.

“In a way, oo,” ang sagot sa amin ng binata nang itanong namin if they’re more than magkasintahan.

“Iba nga ‘yung relationship namin,” sambit pa ng hunky Kapamilya actor.

Diego Loyzaga gets his big break on the big screen via Regal Films' 'Mama's Girl' with screen partner Sofia Andres

Very thankful si Diego sa Regal Films para sa movie nila ni Sofia na Mama’s Girl. Excited siyang ipakita sa big screen kung anong meron ang SofiEgo. He says it’s a step up for their loveteam na after a teleserye ay movie naman.

Aminado ang binatang laking-Australia na sobra siyang mama’s boy in real life. As in mahal na mahal niya ang nanay niyang si Teresa Loyzaga and he’s proudly a mama’s boy.

In fairness ay very positive na ang mga sagot ni Diego ngayon ‘pag natatanong siya tungkol sa kanyang amang si Cesar Montano na nakaalitan niya noon.

Ang ganda nu’ng sinabi niya na ipinagmamalaki niya na isa siyang Montano.

“I’m proud na anak ako ng tatay ko and I’m even more proud na nanay ko ang ina ko,” bulalas ni Diego.

Below are some scenes from Mama’s Girl at ang full trailer ng opening salvo for 2018 ng Regal Entertainment which opens tomorrow in cinemas nationwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *