Scroll to Top

WATCH: Dennis Trillo talks about his new primetimes series and his real-life TOTGA

By Allan Diones / Published on Monday, 15 Jan 2018 17:13 PM / No Comments / 2728 views

TATLONG BABAE ang nag-aagawan kay Dennis Trillo sa bago niyang Kapuso primetime series na The One That Got Away.

Ang sabi sa amin ng Kapuso Drama King, hindi pa naman ito nangyari sa kanya sa totoong buhay dahil dalawa lang daw dati (ang nag-agawan sa kanya), sabay tawa at biro lang daw ‘yon.

Matinong boyfriend ang role ni Dennis sa TOTGA. He plays William Dominic ‘Liam’ Ilustre na ex-boyfriend ng tatlong magagandang babae.

Liam is the ideal boyfriend—handsome, smart, loving and a true gentleman. Nagkaroon siya ng fatal accident and wakes up from coma to find his 3 exes together in his hospital room.

Ang tatlong girls ay ginagampanan nina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins. Lovi plays the career-driven Alex, Rhian plays the fun-loving swimwear designer and blogger Zoe, and Max plays Darlene, the long distance girlfriend.

In fairness ay hindi pinagsabay-sabay ni Dennis ang mga ito.

Sey ng 36-anyos na Kapuso actor, nakaka-intimidate sina Lovi, Rhian at Max dahil ang gaganda ng mga ito, ang se-sexy at tatlo sa pinakamagagandang artista sa GMA. Natsa-challenge daw si Dennis at kailangan niyang mag-extra effort para pumantay sa 3 girls dahil ‘pag tiningnan ang mga ito ay parang Victoria’s Secret models ang tatlo para sa kanya.

Dennis Trillo plays the ideal boyfriend, Liam in his newest Kapuso primetime series, 'The One That Got Away'
Dennis and the 3 girls who play her exes in 'TOTGA' : Max Collins, Rhian Ramos & Lovi Poe/ ©allandiones.com

Sexy comedy ang TOTGA, na sabi ni Dennis ay medyo pang-mature at mala-Sex in the City na mas bata ang audience at mas feel good.

Sina Lovi at Rhian ay naka-work na niya sa movies, si Max ay first time at hanggang Bubble Gang lang sila nagkasama.

May kissing scenes siya with the three dahil naging girlfriend niya ang mga ito, so kailangang ipakita ang intimacy.

Sinong TOTGA ni Dennis in real-life?

“Parang wala naman, parang wala,” natatawa niyang sagot sa amin.

Siya ang TOTGA ng mga ito, ganu’n ba?

“Hindi ko alam, hindi ko alam,” natatawa pa rin niyang sambit.

“Pero wala naman akong parang pinagsisihang relasyon. Kung hindi para sa ‘yo, hindi talaga para sa ‘yo.”

Ngayong gabi na, January 15, ang simula ng The One That Got Away sa GMA Telebabad after Kambal Karibal, replacing My Korean Jagiya.

Panoorin below ang interview namin with Dennis sa presscon ng TOTGA. Please Like, Share & SUBSCRIBE na rin to our YouTube Channel. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *