Scroll to Top

WATCH: Beauty Gonzalez on Ellen-John Lloyd wedding rumors: “It’s not true!”

By Allan Diones / Published on Sunday, 07 Jan 2018 11:22 AM / No Comments / 1826 views

MARIING itinanggi ng close friend ni Ellen Adarna na si Beauty Gonzalez ang balitang magpapakasal na si Ellen at ang boyfriend (at ama ng ipinagbubuntis nito) na si John Lloyd Cruz.

Ayon sa chika ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Tita Lolit Solis, may kinausap nang caterer at florist sa Cebu para sa nasabing kasalan na magaganap sa isang beach resort doon kung hindi last week of January ay early February. May ilang principal sponsors na rin na binanggit.

Sa presscon kagabi para sa huling linggo ng Kapamilya afternoon soap na Pusong Ligaw sa 9501 resto ng ABS-CBN ay direktang itinanggi ni Beauty ang wedding rumors na ‘yon.

Aniya, “Hindi, ah? Wala naman akong alam diyan. Wala akong balita.”

Talaga? Eh may pinangalanan na nga na magiging Ninong daw sa kasal, eh?

“Ow? Grabe naman! Sa totoo lang, if I would know, I will be the first one to know. But it’s not true.”

It’s not true na may kasal na magaganap?

“Oo. I mean, bakit? Oo,” medyo napapangiting sagot sa amin ni Beauty.

Kasi, she would know bilang close sila ni Ellen, ‘di ba?

“I mean like, oo naman. At saka bakit naman nila itatago ‘yon kung masaya sila sa isa’t isa? I mean, bakit nila kailangang itago ang mga bagay-bagay?

“If they’re gonna get married or not, that’s their decision because at the end of the day, hindi naman kami pagmamay-ari ng ibang tao na pagsabihan kami kung anong nangyayari sa buhay namin,” pakli ni Beauty.

So, wala pang sinasabi sa kanya?

“Wala, masaya sila sa isa’t isa and I’m happy for them. Let’s keep it that way, kasi hindi nabibili ‘yung happiness mo. So, kung masaya sila, hayaan natin silang maging masaya.”

John Lloyd Cruz with the family of Ellen Adarna in Cebu/ @maria.elena.adarna IG

Sa balitang may wedding prep na, natawa si Beauty at sinabing ang pamilya ni Ellen ay may catering business. Wala rin daw florist. Aniya, malapit na ang Sinulog, baka nagpa-flowers lang sa bahay sina Ellen.

Pero nag-‘meet the Adarna family’ na kasi si Lloydie sa Cebu at doon ito nag-spend ng Christmas at New Year. Maaari rin na may pamamanhikan nang nangyari.

So, baka posible na may kasal nang pinaplano at later na lang ii-inform si Beauty?

“Wala ngang mangyayari,” pagtitiyak ng bida ng Pusong Ligaw.

“I mean, she would tell us and why will they hide it? Hayaan na natin sila, nananahimik naman na sila, eh. They’re not doing any showbiz work anymore. Give them a break.”

Pero kung sakaling may wedding man, isa si Beauty sa matutuwa at payag daw siya hindi lang maging abay kundi kahit maging Ninang pa sa kasal nina Ellen at Idan.

“Hayaan na natin silang maging masaya. Wala na nga sila dito sa showbiz na mundo natin eh, so patahimikin na natin sila,” sambit pa ng Kapamilya actress.

Panoorin below ang interview namin kay Beauty sa farewell presscon ng Pusong Ligaw, na simula na bukas ang finale week pagkatapos ng It’s Showtime.

And please Like, Share and SUBSCRIBE to our YouTube Channel. Thank you, guysh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *