Scroll to Top

WATCH: Janella Salvador on REAL SCORE between her and Elmo Magalona: “Sa kanya lang ako nagkaroon ng ganitong klaseng bond with anyone.”

By Allan Diones / Published on Tuesday, 30 Jan 2018 15:28 PM / No Comments / 1987 views

 

SAKSI kami sa tamis-tamisang mga eksena nina Janella Salvador at Elmo Magalona sa Boracay recently nang um-attend sila sa kasal ni Maxene Magalona.

Kaya sabi namin kay Janella, base sa mga nasaksihan naming kaswitan nila ni Elmo, feeling namin ay sila na.

“Feeling mo lang ‘yon,” sagot sa amin ng 19-anyos na dalaga, sabay tawa.

‘Yung totoo? Mamatey?!

“Oo. Kami na ang masaya. Yeah,” naka-smile na sey ni Jea.

Oo naman. Sobrang saya nga nila, eh.

So, anong meron sila ni Moe? How will she describe it?

“Nandu’n pa rin naman kami sa we’re friends. We’re very open with each other sa nararandaman namin. And halata naman, kung anong nakikita n’yo, ‘yun din naman, we make each other happy. Nakikita n’yo rin naman na masaya kami,” pakli ni Janella, na gumaganap bilang bidang si Chantel, isang spoiled rich girl na biglang naging sirena sa Valentine movie ng Regal Films na My Fair Tail Love Story.

Janella Salvador says Elmo Magalona and her make each other happy
Janella & Elmo: will they live happily ever after just like in the fairy tales?

What’s stopping them para maging sila na talaga ni Elmo?

“I just want to get to know him talaga more and I think, we need more time talaga para mas makilala ang isa’t isa at para mag-grow pa ‘yung friendship namin, ‘yung relationship namin. Para if ever in the future, we decide nga to get together, eh ‘di ayun na. It’s the perfect time for us,” dayalog ng Kapamilya young actress.

So, sa kanilang dalawa, siya ang ayaw pa?

“Oo. Pero he also respects that din naman,” sey ni Jea.

ElNella: Are they or are they not?

Si Elmo ay very open sa pagsasabing mahal nito si Janella at siya ang nagpapa-happy sa binata. Kita rin kay Jea na nagbu-bloom siya at mukhang in love din.

So, paano niya nire-reciprocate ang ipinakikitang love na ‘yon sa kanya ni Moe?

“It’s because he makes me happy naman. Hindi ko naman itatago ‘yon na masaya ako ‘pag kasama ko siya. And tulad ng sabi niya kanina (sa presscon), he said I keep him positive now. He also keeps me positive.

“Sobrang naba-balance out namin ‘yung each other and naa-appreciate ko talaga. Sa kanya lang talaga ako nagkaroon ng ganitong klaseng bond with a guy. With anyone. ‘Yung ganitong klaseng bond, wala talaga. Siya ‘yung first. So hopefully, ma-maintain.”

Janella & Elmo star in the Valentine movie, 'My Fairy Tail Love Story' from Regal Films & IdeaFirst Company

Para sa iba ay sila na talaga ni Moe, hindi lang sila umaamin. Anong reaksyon niya du’n?

“Eh ‘yun ang tingin nila. Ha! Ha! Ha! ‘Yun lang talaga. Wala, wala namang dapat pang aminin. Kumbaga, whatever they see na masaya ako, ‘yun na talaga ‘yon. Masaya lang talaga ako,” sey ng dalaga.

At kaya mas lumalim pa ang relasyon nila at mas naging close pa sila ni Elmo ay dahil marami na silang pinagdaanan at na-experience together, lalo na si Janella na mas maraming pinagdaanan. At laging nandu’n si Moe for her.

“Yes, he’s always there for me and ‘yun ‘yung na-appreciate ko sa kanya. Nakita ko naman sa kanya na talagang hindi siya… sabi niya sa akin, hindi siya aalis at nakikita ko naman ‘yon sa kanya so far. Very ano rin naman siya, consistent siya,” papuri pa ni Janella sa kanyang ka-loveteam.

Handog ng ElNella sa Araw ng mga Puso ang pampamilyang pelikula na My Fairy Tail Love Story, mula sa Regal Films at IdeaFirst Company sa direksyon ni Perci Intalan.

Panoorin below ang interview namin kay Janella. Please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube channel. Thank you!

Moe & Jea at the presscon of 'My Fair Tail Love Story'/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *