Scroll to Top

WATCH: Elmo Magalona answers ‘gatecrasher’ issue and Janella Salvador’s mom being against him

By Allan Diones / Published on Tuesday, 30 Jan 2018 11:42 AM / No Comments / 2436 views

DIRETSO naming tinanong si Elmo Magalona kung anong reaksyon niya kapag sinasabing hindi siya tanggap ng ina ng ka-loveteam niyang si Janella Salvador na si Jenine Desiderio.

Ayon sa bida ng My Fairy Tail Love Story, normal lang para sa isang ina ang maging ganu’n sa anak nito.

“Like no one will be enough for her. Meron talagang parents, especially when they really love their child, na they will be really protective and there’s nothing wrong with that,” ang very polite na sagot sa amin ni Moe, nang matsika namin siya last night sa presscon ng movie nila ni Janella under Regal Films.

Eh, pero kung nagiging overprotective na ang isang ina sa anak nito, okey pa rin ba ‘yon?

“Well, that’s the decision of the parent if they want to be overprotective, pero mahirap din for the child na pagdaanan ‘yon,” sey ni Elmo, na halata mong very careful sa kanyang mga sagot.

Elmo Magalona says, "Hindi ako nag-gatecrash!" in response to the tweets of Janella Salvador's mom, Jenine Desiderio
Elmo & Janella in a scene from their Valentine movie, 'My Fairy Tail Love Story'

May ginagawa bang effort si Elmo para matanggap siya ng mother ni Janella kung totoo ngang tutol ito sa kanya para sa anak nito?

“Yeah. Kung ano ‘yung hindi puwede, hindi ko gagawin. Kung ano ‘yung puwede, like ‘yung bisita sa house, ‘yun, gagawin ko,” pakli ng 23-anyos na binata.

And speaking of hindi puwede, may tweets ang madir ni Janella last holiday season tungkol sa ‘gatecrasher’ sa events ng kanilang pamilya. Ang sabi-sabi ay si Elmo ang pinatutungkulan ng tweets nito.

Nang matanong namin ito kay Janella sa Boracay (nang dumalo sila sa wedding ng Ate Maxene Magalona ni Moe), ang sabi ng dalaga ay imbitado si Elmo sa mga event ng pamilya ng dalaga at ipinagpaalam niya ito kaya hindi ito nag-gatecrash.

“No, hindi ako nag-gatecrash nu’ng Christmas. Because she (Janella) told me that I was invited to the party. So, hindi ako nag-gatecrash,” paglilinaw ng Kapamilya actor.

So, what did he feel nu’ng may mga lumabas na ganu’ng isyu?

“I know like ‘yun nga, magiging part talaga ako ng situation. But ‘yun nga, it’s something that is between her (Jenine) and Janella. I just tell Janella na kahit na mapasok ako sa situation, it’s not… hindi ibig sabihin, lalayo ako like, ‘Iwan ko na kayo, bahala kayo diyan!’

“It’s not like that. I’ll be there to listen kung anong pinagdadaanan nila kung meron man,” sweet words ni Moe na tiyak na ikatutuwa ni Jea.

MERMAID LOVE. The ElNella loveteam in Regal Films' fantasy-romcom, 'My Fairy Tail Love Story'

Sa lahat ng mga nangyayaring ito, naniniwala ba si Elmo na it’s worth it? Sa tingin ba niya, deserved niya ang mga nararanasan niyang ito?

Medyo napabuntong-hininga si Moe at nag-isip muna bago sumagot sa tanong.

“I think it’s… I think it’s worth it,” tumatango at naka-smile nang slight na sambit ng obviously ay very much in love na si Moe o ‘Meow’ ni Jea a.k.a. Kitty.

Magkatambal ang ElNella sa dumi-Disney movie na My Fairy Tail Love Story na showing in cinemas nationwide on Valentine’s Day, from Regal Films directed by Perci Intalan.

Panoorin below ang interview namin kay Elmo. Please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube channel. Thanks!

Elmo at the presscon of 'My Fairy Tail Love Story,' where he plays the role of Noah, a simple boy who has feelings for his best friend, Chantel, played by Janella/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *