Scroll to Top

WATCH: Ogie Alcasid gives one of his songs to Alden Richards

By Allan Diones / Published on Monday, 08 Jan 2018 19:49 PM / No Comments / 2226 views

DOES an Ogie Alcasid-Alden Richards collaboration sound good to you?

Nang muling pumirma ng kontrata sa GMA Records si Alden last week ay nabanggit ng Kapuso heartthrob na dream niyang makatrabaho si Ogie. Sana raw ay maisulat siya ng isang kanta ng sikat na songwriter.

Kanina sa presscon para sa Valentine concert na #paMORE nina Ogie, Martin Nievera, Regine Velasquez at Erik Santos ay tinanong namin si Ogie hinggil sa kahilingan na ‘yon ni Alden.

Ang initial reaction ng kuwelang mister ni Regine ay hindi niya masisisi ang binata dahil sigurado siyang nakikita ni Alden ang sarili nito sa kanya.

“Nabasa ko nga ‘yon and I’m open to work with him anytime, tawagan lang niya ako. Gusto niya, gawan ko siya ng kanta para sa kanila ni Maine (Mendoza),” nakangiting sey ni Ogs.

Actually, meron pala siyang isang kantang sinulat noon na inspired by the AlDub loveteam nina Alden at Maine. Ang title nito ay I Love You, na kinanta pa ni Ogie at binigyan kami ng kaunting sample.

At ang sabi niya after, “Alden, kung nagustuhan mo ‘yung kantang ‘yon, sa ‘yo na.”

Ogie Alcasid with his 'K-Pop' pose at the presscon of '#paMORE' concert this afternoon/ ©allandiones.com
Alden Richards wishes to record a song composed by Ogie Alcasid/ @cookies_ph IG

Maiksing paliwanag ni Ogie tungkol sa nasabing kanta, nang mapasikat ni Alden ang kantang God Gave Me You (dahil sa Kalyeserye ng AlDub sa Eat Bulaga), naisip niyang kailangan nito ng kanta na parang gano’n.

Ang American singer na si Bryan White ang orihinal na kumanta ng God Gave Me You na naging national anthem ng AlDub.

Ani Ogie, kinanta niya ang I Love You sa isang album niya na hindi naman narinig. So, sayang daw kung hindi ito kakantahin ni Alden because it’s for him and Maine talaga.

Naniniwala si Ogie na sobrang bagay ang nasabing song kay Alden dahil mala-God Gave Me You ito.

Sabi pa ni Ogie, nakakasama nila ng misis niyang si Regine ang Pambansang Bae sa praise and worship concerts nila at napakabait na tao raw nito.

So there. May ready song na si Ogie na handa nitong ibigay any time kay Alden, na sure siyang bagay sa singing style nito.

“Ready na ako, Alden. Ready na ako para sa ‘yo,” mensahe pa ni Ogs para kay Tisoy.

Kung Tagalog song naman daw ang gusto ni Alden ay gagawa pa siya.

Panoorin below ang interview namin kay Ogie sa presscon ng #paMORE (na ang ibig sabihin ng M.O.R.E. ay Martin, Ogie, Regine at Erik. Sa February 10 ang Valentine concert na ito sa MOA Arena).

Please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube Channel, guysh! Thanks!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *