Scroll to Top

WATCH: Judy Ann Santos on falling for a guy who turns out to be gay: “Sino bang sinasabi n’yo? O sige, kayo magsabi!”

By Allan Diones / Published on Tuesday, 09 Jan 2018 22:51 PM / No Comments / 2144 views

MAY kabaklaan ang tema ng bagong pelikula nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Sina Judy Ann at Angelica ay gumanagap bilang mga maybahay na matutuklasan na ang kanilang respective husbands ay mga closet gay pala at may relasyon ang mga ito.

Si Joross Gamboa ang gumaganap na mister si Juday habang si JC de Vera naman ang asawa ni Angge.

Kaninang hapon during the open forum sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Reyes ay tinanong sina Juday at Angelica ni Jerry Olea (ng PEP.ph) kung sa totoong buhay ba ay nagkaroon sila ng pagnanasa (o puwede na ring nainlab) sa isang lalaki, tapos ay nalaman nila na bading pala ito?

“Wala!” ang mabilis na sagot ni Juday, sabay tawa, habang lahat din ay nagtatawanan.

“Walang-wala. At all,” sey pa ng tinaguriang Queen of Pinoy Soap Opera, na natatawa pa rin, habang sige pa rin ang tawanan ng mga nasa presscon.

Obviously ay may naiisip ang lahat na isang partikular na tao, na puwedeng nagkaroon ng ganu’ng klaseng karanasan si Juday in the past, kaya tila nagkakaintindihan kahit walang binabanggit na pangalan. Dinadaan na lang sa makahulugang tawanan.

Muling hirit ni Juday, “Ah, ah… wala,” tapos ay natawa na naman siya at napabaling sa katabi niyang si Angelica, na natawa rin at umiiling na napadayalog ng, “Hindi ko kaya!”

“Baka mas kami pa ang pinagnasaan,” dugtong ni Juday, na tila gustong gawing mas ‘safe’ ang takbo ng usapan.

Judy Ann Santos & Angelica Panganiban, all-smiles at the presscon earlier today of their first movie together, 'Ang Dalawang Mrs. Reyes'/ ©allandiones.com

Si Angelica ang sunod na humirit ng, “Ako, hindi. Wala pa akong ganu’ng experience. Ang nangyari sa akin, ‘Babae ba ‘to o bakla?’ Ganu’n ‘yung laging tanong sa akin.

“Kasi, parang bakla ako magmahal, bakla magsalita. May mga nagkakagusto sa akin, tapos, nao-off sila. ‘Yung, ‘Hmm, masyadong bakla!’” pakli ng babaeng bakla na si Angge.

“Ah, so ikaw ‘yon?” reaksyon ni Juday sa sinabi ni Angelica.

“Ikaw, ano ‘yung sa ‘yo?” buwelta nito kay Juday.

“Wala. Wala nga,” mataginting na sagot ni Juday habang natatawa pa rin.

Na-curious tuloy ang co-star nilang si Joross kung sino ba ang tinutukoy na ‘yon at ganu’n na lang ang tawanan ng lahat.

Patay-malisyang sagot dito ni Juday, “Ewan ko sa kanila. Sino bang sinasabi n’yo? O sige, kayo magsabi! Ha! Ha! Ha! Ibabalik ko sa inyo!’” buwelta niya sa nagtanong.

Sa follow-up question kung kaya ba nilang magmahal ng bading, ang sagot ni Juday ay depende ‘yon. Dahil sabi niya, may mga relasyon ngayon na ganu’n ang sitwasyon. Para sa kanya, ang importante ay may pagmamahal at may respeto.

“‘Yung magmahal ng bakla o magmahal ng tomboy, it doesn’t really matter. Kasi, ang importante, totoo ‘yung pagmamahal n’yo sa isa’t isa. And I thank you!” sambit pa ni Juday, na umani ng palakpakan ang makabuluhang sagot, na magugustuhan ng LGBTQIA community.

Sa January 17 ang showing nationwide ng nakatutuwang pelikula na dinirek ni Jun Robles Lana; produced by Star Cinema, Quantum Films and The Idea First Company.

Panoorin below ang masayang tanungan portion sa presscon kanina ng Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube Channel. Thank you po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *