Scroll to Top

SORRY! Mark Bautista admits he already apologized to girlfriend of male friend with whom he had intimate relations in the past!

By Allan Diones / Published on Thursday, 08 Feb 2018 14:40 PM / No Comments / 3812 views

PASABOG ang rebelasyon ni Mark Bautista sa kanyang librong Beyond the Mark.

Sari-sari ang mga opinyon at ispekulasyon lalo na tungkol sa ‘crucial’ chapter ng kanyang book na may pamagat na FRIENDSHIFT.

Isinalaysay ni Mark sa kabanatang ito ang pagiging INTIMATE niya noon sa isa niyang GUY FRIEND, na naging dahilan para masira ang relasyon ng kanyang kaibigan at ng girlfriend nito.

‘Yun din ang naging rason para matuldukan ang pakikipagkaibigan ni Mark sa guy friend niya na ‘yon. Maging ang common friends nila ay apektado sa nangyari. Even Mark’s family got terribly upset.

Ayon pa sa kuwento ni Mark sa kanyang (almost) tell-all book, it became the lowest point in his life.

“I felt everyone’s pain from that situation. It was horrible emotionally, mentally, and psychologically. It changed me in how I dealt with people around me at work and even with friends and family.

“I didn’t think I would survive it. Many versions of the story surfaced. The news eventually died down and it haunted me for years. It was hard,” emosyonal niyang pagbabalik-tanaw, na isinulat niya sa Beyond the Mark.

Mark Bautista shares the lowest point in his life in the book, 'Beyond the Mark'/ @iammarkbautista IG

The longest four seconds

Inamin ni Mark na gusto niya talagang humingi ng tawad sa nobya ng kanyang kaibigan. He wanted to apologize for everything.

Base sa salaysay ng 34-anyos na singer-actor, after a few failed attempts ay nagkita sila ng ex-GF ng male friend niya sa isang private gathering.

Despite the awkward atmosphere ay pinilit ni Mark na maging still and composed.

“I braced myself. It took one slow moment before she approached me while I anxiously waited. And then I just embraced her right away and said, ‘I’m sorry,’” paglalahad ni Mark.

Patuloy niyang salaysay, “That was the longest and sincerest four-second embrace of my life. She didn’t say a word, but everything felt right and good. She left immediately, and I sat down and processed everything. I felt numb for a few seconds.”

Mark was able to say sorry to the woman that he had hurt/ @iammarkbautista IG

Healing takes time

Kasunod ng emosyonal na kuwento na ‘yon ni Mark, sa dulo ng nasabing chapter ay ibinahagi niya ang natutunan niya sa puntong ‘yon ng kanyang buhay.

Aniya, napagtanto niya na ang isang matagal na pagkakaibigan ay maaaring mawasak ng isang ‘single thoughtless act.’

Makahulugan ang realization ni Mark na, “Giving in to the flesh is easy and will give you temporary satisfaction but a relationship worth keeping is hard to find. Treasure friendship or respect any kind of relationship more than anything else.”

Taon din daw ang binilang bago dumating ang gabi na ‘yon. Nangyari ito sa panahong huminto na si Mark sa paggawa ng paraan at hinayaan na lang niya ang kapalaran.

“I think healing really takes time, and only time can give you the strength and courage you need for that moment,” saad ni Mark.

Dugtong niya pa, “Things may not necessarily be the same anymore, but I’m thankful for that chance to apologize to someone I had hurt.”

“Giving in to the flesh is easy and will give you temporary satisfaction but a relationship worth keeping is hard to find," says Mark about the lessons he learned from that experience in his life/ @iammarkbautista IG

Beyond the tsismis

Walang binanggit na mga pangalan si Mark sa mala-pelikulang kabanata na ‘yon ng kanyang nakaraan.

Sa showbiz ay may kanya-kanyang hula kung sinu-sino ang mga real-life character na sangkot sa masalimuot na insidenteng ‘yon.

Maaaring napag-usapan na ang isyung ito noon, hindi lang masyadong nadalirot ang mga detalye at hindi nahalukay ang totoong nangyari.

Ang personal na salaysay ni Mark ang magpapatunay na totoo ngang may naganap na gano’n at hindi pala tsismis lamang ang lahat.

May mga nakabili na ng kopya ng libro ni Mark, na out na sa market this weekend. Marami ang naku-curious na bumili nito dahil sa mga naglalabasang kuwento.

Mas marami pang ibang isiniwalat at ibinahagi si Macmac sa Beyond the Mark na P250 ang bawat kopya, published by VRJ Books. Mabibili ito sa lahat ng National Bookstore outlets nationwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *