Scroll to Top

WATCH: Katrina Halili, 6 years nang celibate; hindi naghahanap ng lalaki!

By Allan Diones / Published on Saturday, 03 Feb 2018 15:52 PM / No Comments / 4353 views

SIX YEARS nang walang lovelife si Katrina Halili. Si Kris Lawrence pa ang huli niya, na ama ng daughter niyang si Katrence o Katie.

Okey na okey na sila ngayon ni Kris, pero friends na lang daw sila at wala nang balikang magaganap.

Hindi ba puwedeng ‘friends with benefits’?

“Huyy! Kasi, simula nu’ng nagkaanak ako, ayoko nang makagawa ng mga bagay na baka gawin ng anak ko, tapos, isumbat sa akin na ginagawa ko. Hindi ako puwedeng makitaan ng mga kung sinu-sino kasama kong boylet.

“Ayokong sabihin ng anak ko na, ‘Ginagawa mo ‘yan, eh!’ Kasi, nakita niyang ginagawa ko,” bulalas ni Katrina nang matsika namin siya sa presscon ng bago niyang Kapuso drama series na The Stepdaughters.

Sabi pa ni Kat, wala ring nanliligaw sa kanya, pero hindi naman daw siya nalulungkot.

Paano kung maghanap ng kapatid si Katie?

Sagot ng 32-anyos na Kapuso actress, naghahanap na siya ng kalaro ni bagets at kaya rin pinag-aral na niya ito sa school.

Katrina Halili: single & loveless for 6 years now/ @katrina_halili IG
Katrina with her 5-year-old daughter, Katrence or Katie/ @katrina_halili IG

Anim na taon na ‘yon. So, paano naman siya?

Sagot ni Kat, “Wala na nga talaga. Ewan ko, basta nga gano’n. Bawal nga, ‘di ba? May anak na ako.”

Paano kung merong lalaki diyan na naghihintay pala sa kanya?

“Next time na. Hanapin niya ako.”

Okey lang sa kanyang 6 years na siyang celibate?

“Eh, okey lang ‘yon. Okey lang ‘yon.”

Hindi ba niya hinahanap?

“Wala na nga, eh. Wala talaga. Wala akong hinanahanap na boyfriend. ‘Di ba? Hindi ko nga alam, eh. Baka may ibang pagkatao na ako. Ako pa ba ‘tong kausap n’yo? Sandali lang! Ha! Ha! Ha! Wala na talaga eh, wala.

“Parang gusto ko, kung magkaka-boyfiend ako, ‘yun na ‘yung magiging asawa ko rin, ‘di ba? Ayoko nang magpapalit-palit. Sabi rin naman nila, darating, eh.”

Sey pa ni Kat, wala rin siyang nami-meet dahil hindi siya lumalabas.

At ayaw niya rin namang ipaalam sa lahat na single na siya.

Katwiran niya, “Bahala sila. Hanapin nila ako!”

Sina Katrina at Megan Young ang lead stars ng The Stepdaughters. Balik-maldita karakter dito si Kat na aaway-awayin, sasabunutan at sasampal-sampalin si Megan.

Sa February 12 ang simula nito sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin below ang interview namin kay Katrina. Then please Like, Share and SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Thanks!

A happy & sexy Katrina at the press launch of GMA's newest afternoon drama, 'The Stepdaughters'/ ©allandiones.com
Katrina plays Isabelle Salvador, an only child who grew up spoiled and self-centered. She also manages her family's makeup line, Coco Bella, in GMA's newest afternoon soap 'The Stepdaughters'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *