Scroll to Top

CONFIRMED! Ellen Adarna, umaming 3 months preggy; John Lloyd Cruz, ayaw munang magtrabaho

By Allan Diones / Published on Thursday, 04 Jan 2018 17:23 PM / No Comments / 2758 views

KINUMPIRMA mismo ni Ellen Adarna sa aming source na buntis siya at tatlong buwan na ang tiyan niya.

Nakasabay ng source namin si Ellen sa Cebu airport kamakailan kasama ang nobyo at ama ng ipinagbubuntis nito na si John Lloyd Cruz.

Nag-usap sila ng soure namin sa wikang Bisaya at buong ningning na inamin ni Ellen na thee months na ang kanyang ipinagbubuntis. Happy raw si Ellen sa kanyang pagdadalantao, kahit hanggang ngayon ay hindi niya pa ito inaamin publicly.

Unang umugong ang tsikang buntis ang 29-anyos na sexy star nang hindi ito rumampa sa fashion show ng Bench na Under the Stars nu’ng November 18 sa MOA Arena. Tapos ay may sighting sa kanila ni John Lloyd sa isang ospital kung saan nagpa-ultrasound daw si Ellen.

Nakausap din saglit ng aming source si John Lloyd at sinabi nitong ayaw muna nitong magtrabaho at mas gusto nitong alagaan ang nagdadalantaong nobya.

Masaya raw si Lloydie sa piling ni Ellen at ine-enjoy nilang dalawa ang buhay nila ngayon na wala sa showbiz spotlight.

Nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay magkasama sina Ellen at John Lloyd. Si Ellen ay may pinost na pic nila ni Lloydie nu’ng Christmas na nakaupo sila pareho sa may hagdan, na ang caption niya ay simpleng, “Merry Xmas!!!”

Nu’ng New Year ay may pinost na fireworks video ang aktor sa IG, na ang caption niya ay, “Fuck you 2017 you didn’t break me. Salamat.”

Balitang binigyan ni John Lloyd ng mamahaling diamond engagement ring si Ellen.

Base sa mga huling IG posts ni JLC ay nandu’n sila sa bahay ng pamilya ni Ellen sa Cebu.

John Lloyd Cruz & Ellen Adarna/ @maria.elena.adarna IG
Ellen & John Lloyd in Matterhorn Glacier in Switzerland last October/ @maria.elena.adarna. IG

Piolo Pascual, puwedeng hindi na mag-asawa sabi ng matalik niyang kaibigan na si Yul Servo

Bilib kami sa tibay ng pagkakaibigan nina Piolo Pascual at Yul Servo. Kahit ngayon na mas aktibo na si Yul sa pagiging pulitiko kesa sa pagiging artista, nanatiling close at maganda ang samahan ng dalawa.

Kuwento ni Yul, kamakailan ay nag-charity work si Piolo sa Binondo, Manila at namigay ito sa constituents niya ng libu-libong grocery bags. Bale 5,000 families ang napaligaya ng Kapamilya actor, na si Yul lang ang nag-organize ng event, pero kay Piolo galing lahat ng donasyon.

1st term ni Yul bilang Congressman ng 3rd district of Manila. Nang una siyang tumakbo bilang Konsehal nu’ng 2007 ay sinuportahan siya ng close friend niyang si PJ (palayaw ni Piolo). After that ay nito na lang ulit siya humingi ng tulong kay Piolo nang tumakbo siyang Congressman. Proud sa kanya si Piolo na isa na siyang mambabatas.

Nabigyan ng malisya ang closeness nila ni Piolo at naintriga noon na may ‘bromance’ na namamagitan sa kanila, pero nanatili silang magkaibigan at hindi sila nawasak ng mga intriga. Ngayon ay binabalewala na lang ito ni Yul. Mas lalo naman daw si Piolo na kahit dati ay never naapektuhan ng mga tsismis sa kanilang dalawa.

Tsika sa amin ng actor-politician, Ninong si Piolo ng apat sa limang anak niya. Na-meet na rin ni Yul ang anak ni Piolo na si Iñigo nu’ng bata pa lang ito.

20 years na si Yul at ang kanyang non-showbiz wife.

Bilang kaibigan, hindi niya ba sinasabihan si Piolo na mag-asawa na rin ito?

“Wala pa raw siyang maano, eh. Wala pa ‘yung right girl,” sagot ni Yul.

Posible ba na hindi na mag-asawa si Piolo?

“Puwede rin naman. Hindi ko alam, kumporme sa kanya ‘yun, eh. Pero kung ako ‘yon, okey din, ‘di ba? Walang asawa, walang responsibilidad. Marami kang chicks! Ha! Ha! Ha!”

Marami bang chicks si Piolo?

“Dati. Eh nag-ano siya eh, nag-Born Again.”

Magpu-41-anyos na si Piolo sa January 12. Magkaedad sila, sabi ni Yul, buwan lang ang tanda nito sa kanya.

Nagkatrabaho sila dati sa Kapamilya teleseryeng Sa Puso Ko, Iingatan Ka (2001-2003) at sa short film na Kagat ng Dilim (2006).

Enjoy si Yul sa Kongreso at nasanay na siya sa buhay-pulitika. Huli siyang napanood sa Cinemalaya 2017 film na Kiko Boksingero. Ginawa niya rin ang Cignal TV series na Tukhang na gumaganap siya bilang isang hitman. Ipapalabas ito ngayong 2018 sa nasabing cable channel.

Manila Congressman Yul Servo & close friend Piolo Pascual

Musicfest sa CDO, kanselado dahil sa bagyo

Nakakalungot na hindi matutuloy ang dapat sana ay pinakaunang music festival sa Cagayan de Oro City dahil sa pinsalang dinulot ng Typhoon Vinta.

Devastated ang CDO at ilang towns and municipalities dahil sa pananalasa kamakailan ng nasabing bagyo kaya postponed ang nasabing event.

Ang CHADA: CDO Millennials Music and Arts Festival 2018 ay gaganapin dapat sa January 27 sa Atrium ng Limketkai Center.

Ayon sa producer nito na SIRHC Events Productions, postponed muna ang event for a later time after relief and restorations have been made.

Ito sana ang unang musicfest sa CDO. Tampok sa CHADA ang music artists na sina Joey Ayala at ang Bagong Lumad, Dong Abay Music Organization, Hale, Jireh Lim at Silent Sanctuary.

“We thank everyone for your interest and support. Rest assured that our CHADA event will be pushing through soonest possible, hopefully around March.

“Tickets purchased will be honored to use at a later date that is to be announced. Watch out for CHADA updates on social media.

“For more info and queries, kindly text (632) 0927-0469656 or email techiemommy@gmail.com,” sabi pa ng SIRHC Events Productions.

(L-R): Dante Sudaria of Mindanao Daily, Tony Nola of Pick & Pikel (co-producer), CHADA artists Jireh Lim, Joey Ayala & Dong Abay; Jaye Bautista, (publicist), Artistic Director Victor Hao Cuenco and Producer Chris Bautista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *