Scroll to Top

WATCH: Dennis Trillo’s reaction on ‘Kasal na lang ang kulang’ sa kanila ni Jennylyn Mercado

By Allan Diones / Published on Friday, 05 Jan 2018 17:42 PM / No Comments / 2325 views

MASAYA ang nakaraang Pasko at Bagong Taon ni Dennis Trillo dahil kumpleto ang kanyang pamilya at magkakasama silang lahat.

Kasama rin nilang nag-celebrate ang pamilya ng nobya niyang si Jennylyn Mercado, na tila extension na ng family ni Dennis.

Parang parte na talaga ng pamilya ni Dennis si Jen and vice-versa.

“Oo naman, siyempre. Matagal na,” masayang sagot ni Dennis nang matsika namin siya sa presscon ng bago niyang Kapuso primetime series na The One That Got Away last night sa Nix.05 Superclub sa Tomas Morato, QC.

Sa kanilang dalawa ay si Jen ‘yung mas nagsi-share ng pictures nila sa social media (usually sa Instagram Stories) including ‘yung pics nila kasama ang mga pami-pamilya nila.

Sey ni Dennis, “Well, nakakatuwa dahil siguro, ganu’n talaga ‘pag masaya ka. ‘Pag proud ka sa isang bagay, hindi ka mahihiya na ipakita or makita ng mga tao ‘yung happiness mo. ‘Yun naman ‘yung importante eh, ‘yung contentment mo sa buhay, kung saan ka masaya.”

Relationship goals daw ang DenJen, sabi ng marami.

“Siguro nga gano’n, pero siyempre, bago ka makarating do’n, kailangan din ng hard work, di ba? At tiyaga at pasensiya,” pakli ng aktor, na kita sa aura ang pagiging happy ng kanyang personal life.

Kapuso Sweethearts Dennis Trillo & Jennylyn Mercado celebrated Christmas together at Jen's house/ @jennylynworld IG
Dennis & Jen with their respective families last Christmas Eve/ @jennylynworld IG
The happy DenJen couple with their fambam/ @jennylynworld IG

Ngayong 2018 kaya ay posibleng mag-level-up na sila ni Jen?

Ang kulang na lang talaga kasi sa kanilang dalawa ay kasal, ‘di ba?

“‘Yun na nga lang siguro. Pero darating din ‘yon at malalaman n’yo rin naman ‘pag dumating na ‘yung araw na ‘yon.”

Biro niya, malalaman namin ‘yon kapag tapos na, sabay tawa.

Darating na lang ba ‘yon o pinaplano na ni Dennis ang tungkol sa kasal?

“Unti-unti, unti-unti, pinaplano. Pero siyempre, may mga kanya-kanyang careers pa kaming kailangang asikasuhin. So, sa ngayon, ‘yun muna,” sey ng 36-anyos na aktor.

Aminado si Dennis na he’s not getting any younger. Habang tumatanda ay mas marami raw siyang natututunan at habang mas nagma-mature ay mas nagiging matino ang pag-iisip mo.

Dennis & Jennylyn: Kasalan na ba this 2018?/ @mercadojenny IG Story

Si Jen na nga kaya ang ‘The One’ ni Dennis and he won’t let her get away?

“Ganu’n na nga siguro. Masaya kami, eh!” matamis ang ngiting sagot sa amin ng Kapuso Primetime Drama King.

Nai-imagine na niyang si Jen na talaga ang makakatuluyan niya?

“Oo naman. Kailangan ma-imagine mo ‘yon dahil kung hindi, ibig sabihin may problema.”

Parang matched na matched talaga silang dalawa eh, ‘di ba?

“Sa awa ng Diyos, mabuti naman. Matched na matched,” ang tamis pa rin ng smile na pagsang-ayon sa amin ni Dennis.

Hindi si Jennylyn kundi sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins ang leading ladies ni Dennis sa sexy comedy series na The One That Got Away na magsisimula na sa January 15 sa GMA Telebabad kapalit ng My Korean Jagiya.

Panoorin below ang interview namin with Dennis sa presscon ng TOTGA (and please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube Channel. Thanks, guysh!).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *