Scroll to Top

WATCH: Janella Salvador on ‘gatecrasher’ issue and her relationship with her mom: “At the right time, everything will be okay.”

By Allan Diones / Published on Saturday, 13 Jan 2018 08:22 AM / 3 Comments / 4441 views

BORACAY. Present si Janella Salvador sa wedding ng sister ng ka-loveteam niyang si Elmo Magalona na si Maxene Magalona nu’ng Thursday, January 11, sa Shangri-La Resort & Spa here in Boracay.

Hindi part si Janella ng wedding entourage at hindi siya ang partner ni Elmo bilang candle sponsor, pero may naging participation siya sa kasal dahil siya ang nag-first reading.

After ng wedding ceremonies at habang abala ang lahat sa pagpipiktyuran by the beach ay nagkaroon kami ng chance na makausap si Janella.

Kinamusta namin ang nakaraang Pasko at Bagong Taon niya.

Ayon sa 19-anyos na Kapamilya actress, isinama niya si Elmo for the first time sa Christmas events ng pamilya niya, na ipinagpalaam pa raw niya sa family members niya kung puwede itong pumunta at pumayag naman ang mga ito.

Si Moe ay inimbitahan din siya sa family gatherings nito nu’ng nakaraang holiday season. At maging sa kasal ni Maxene kay Robby Mananquil ay imbitado rin siya.

Hindi raw in-expect ni Janella na magpi-first reading siya sa kasal. At kahit recently lang niya nakakasama ang Magalona family ay sobra raw niyang na-feel ang solemnity ng wedding na sobrang intimate at naiyak talaga siya.

Si Jea (palayaw ni Janella) ay hindi pa raw napag-iisipan kung anong klaseng kasal ang gusto niya someday. Basta, gusto niya ay super-intimate lang and she wants all the people she loves to be there.

Janella Salvador on her mom's controversial tweet: "I’d rather not talk about it ‘coz I don’t wanna make a big issue about it."/ ©allandiones.com

Hiningan namin ng reaksyon si Janella tungkol sa tweets ng mommy niyang si Jenine Desiderio, two days after Christmas, na may pinariringgan ito na nag-‘gate crash’ umano sa both sides ng kanilang family reunion.

Ang kontrobersyal na tweet ni Jenine ay, “How dare you gate crash both sides of our family’s Christmas reunions? Do you really just do this, as in come uninvited?

“And how could you enjoy knowing I did not come in, knowing you were there? My family’s too decent to make you leave but you think you’re welcome & accepted? Think again. If you can. #angkapal.”

Walang binanggit na pangalan ang ina ni Janella, pero maraming humuhula na si Elmo ang pinapasaringan nito sa Twitter.

May mga nagsabi rin na hindi lang si Moe kundi silang dalawa ni Jea ang pinatatamaan ng tweet na ‘yon ni Jenine.

Ang sagot sa amin ng dalaga, “Actually, I’d rather not talk about it ‘coz I don’t wanna make a big issue about it.

“Basta, I want to tell everyone na I know, what my mom did was not private, pero sana, for me, i-respect na lang ‘yung privacy namin.

“We’re resolving things, hopefully. At the right time, I know everything will be okay. ‘Yun lang ‘yung masasabi ko.”

Hindi ito ang first time na may pa-‘blind item’ na tweet si Jenine na may kaugnayan kay Janella, na nadadawit pati pangalan ng ka-loveteam nitong si Elmo. Madalas ay sa social media idinadaan ng beteranang singer-actress ang mga hinaing at sama ng loob nito sa anak na dalaga.

Sa mga ganitong isyu ay palaging nakasuporta si Moe kay Jea.

“Always, he’s always been so supportive and helpful of me,” naka-smile na pakli ng dalaga.

Dugtong pa ni Janella, “We’re all praying. Pati ako, I’m praying for everything to be okay.”

Panoorin below ang interview namin kay Janella. Paki-like, share and SUBSCRIBE na rin po to our YouTube Channel. Thank you!

3 thoughts on “WATCH: Janella Salvador on ‘gatecrasher’ issue and her relationship with her mom: “At the right time, everything will be okay.””

  1. Hindi ipinaalam ni Janella ang pagdala nya kay Elmo sa kahit na sinong miyembro ng pamilya. Ikinagulat na lang ng lahat na nandun na si Elmo kahit alam naman ng lahat na sya ang dahilan ng pagkasira ng relasyon ng mag-ina. At siempre hindi naman siya paaalisin dahil disente ang pamilya. Kung ikaw si Elmo at alam mong ikaw ang dahilan ng gulo na hindi pa hinaharap at inaayos ni Janella, sasama ka ba?

  2. Hindi totoong nagpaalam si Janella sa pamilya na dadalhin nya si Elmo. At hindi pa sya nakikipag-ayos sa ina nya pero dinala na nya si Elmo. Mag-ano ba sila at kailangan nya dalhin sa family reunion si Elmo? Family ba sya?

  3. Pumayag ba talaga yung family na pumunta sila sa gathering or hindi? I don’t think magkakaroon ng ganung reaction yung Mommy kung totoo talagang pinayagan. What will the mom get out of those tweets kung hindi totoo? Publicity? Parang hindi din naman. Baka kailangan din i-check yung details from the Mom mismo para both sides may say sa issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *