Scroll to Top

8 QUESTIONS with ALDEN RICHARDS

By Allan Diones / Published on Tuesday, 02 Jan 2018 10:00 AM / No Comments / 4014 views

INSPIRED by Tito Boy Abunda’s ‘Fast Talk’ segment in TWBA – we bring you 8 QUESTIONS.

Madalian at mabilisang tanungan. Presence of mind lang ang kailangan.

Walong tanong para sapat lang. Hindi konti, hindi rin karamihan.

And because 8 is my favorite number (‘yun ang totoong dahilan, hehe!).

Featured today is none other than the birthday boy himself, ALDEN RICHARDS.

26th birthday ngayon, January 2, ng Pambansang Bae ng Eat Bulaga at ng Kapuso Network.

We always say na isa siya sa pinakapogi, pinakamabait at pinakama-PR na artista ever. Laging mabango, laging magalang at parang never naming nakitang nagalit o na-bad trip mula nang makilala namin siya nu’ng 2011 na newbie pa lang siya sa showbiz.

From then on ay ang layo na ng narating ng binatang taga-Santa Rosa, Laguna mula nang maligwak siya at hindi makapasok sa Final 14 Survivors ng StarStruck V.

As luck may have it, siya ngayon ang one of the hottest prime actors ng GMA. Whatever happens ay part na ng showbiz history ni Alden ang pagiging other half niya ng phenomenal AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza at hindi na ‘yon mabubura pa.

Sana ay lalo pa silang mag-grow at mag-evolve ni Maine, not just as screen partners but also as individual actors.

Now, here’s our 8 QUESTIONS with Richard Reyes Faulkerson, Jr. a.k.a. Alden Richards…

Birthday boy, Alden Richards is one of the hottest prime actors of GMA Network/ @aldenpilipinas IG

1. If you could be someone else for a day, who would you choose to be and why?

Si Pope Francis. Para at least, mapasok ko naman ‘yung mga hard to reach sections ng Vatican. Kasi, may mga usual private areas ‘yan, eh. Very curious lang po kasi ako about religion. So, aaralin ko ‘yung kung anumang mga sikretong nandu’n.

2. What superpower would you want to have and why?    

Teleport. Kasi, lagi akong late, eh. He! He! He! Teleport tayo.

3. Who is your celebrity crush?

Celebrity crush? Eva Green. Magaling kasi umarte at saka mata pa lang… Yes, Eva Green (French actress) sa Penny Dreadful (British-American horror-drama TV series) at saka sa Miss Peregrine’s (Home For Peculiar Children, 2016 fantasy film ni Tim Burton).

4. Career or lovelife?

Nako, both. Puwede bang both? Isa lang? So, career muna.

5. Boxers or briefs?

Boxers.

6. Good sex or good food?

Uy! Oh… puwede bang good food while having good sex? (Laughs)

7. Anong mas gusto mong gampanan: Iron Man or Jon Snow?

Iron Man. Iron Man po. Wala, malaking part po kasi siya sa akin, eh. Very siya po ‘yung image ko of kung ano ‘yung dapat gawin. Very ano kasi siya eh, ‘yung na-project po kasing character ni Robert Downey is something na puwede mong kunin ‘yung good parts. Dominant, pero smart. Cocky siya, pero at the same time, may sense naman. So, parang ganu’n po.

8. Who was the last person who broke your heart?

Last person who broke my heart? Wala po, wala pa naman. Hindi naman ako mabilis mag-heartbroken, eh. Well, ang tagal na. Who broke my heart? Wow, high school pa yata ako niyan. ‘Yung first girlfriend ko. Yes po, wala talaga, eh. Hindi po kasi ako…

First and last po ‘yon na heartbroken. Kasi, ‘yung iba po, ako na ‘yung nakipaghiwalay. (Smiles)

Happy Birthday, Pambansang Bae!/ @chinitohosikusieho IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *